Chapter 37 Agad na lumapit si Hilda at bigla na lang niyakap ang kambal. Nagulat ang dalawa kaya naitulak nila ito na mabuti na lang ay nasalo ito ni Arthur. "Beryl! Peri!" sigaw ni Arthur na kinatalon ng dalawang bata. Agad na hinawakan ni Hilda si Arthur at bahagya ngumiti. "Mukhang nagulat ko ang mga bata. It's okay," ani ni Hilda na nakaupo sa sahig. Madali siya naitulak ng dalawa dahil na din kahit sa mga oras na iyon under recovery pa din siya. "Sorry," bulong ng batang lalaki. Napatingin si Hilda sa batang lalaki na nangingilid ang luha. "Huwag ka umiyak. Ayos lang ako. Nakakadurog ng puso kapag nakakakita ako ng cute na batang katulad mo na umiiyak tapos kamukha mo pa si Art," ani ni Hilda na. Tinikom ng batang lalaki ang labi at todo pigil nga ito umiyak. Natawa si Hilda