Chapter 44 Hindi ko alam pero after ng insidente sa main hall hindi ko na nakita si Art. "Mama, busy ba ulit si papa?" tanong ni Peri. Nasa loob kami ng playroom at kasalukuyang nakadapa iyong dalawa sa carpet at mag binubuo na puzzle. "Siguro anak," sagot ko tapos nilingon si Aoi na nasa room din kasama si Ivory. "Aoi, ano nangyayari sa labas? Ano pinagkakaabalahan ni Art?" tanong ko. Almost 4 days ko din kasi hindi nakikita si Art hindi naman ako nag-abalang magtanong since alam ko nasa loob lang ng office si Art tapos hindi umaalis ng building. "Mga papers miss Hilda tapos meetings," sagot ni Aoi na napakamot sa pisngi. May hindi siya nasagot sa tanong ko. In some reason din binilinan ako ni Art na huwag muna lumabas sa main building at hangga't maaari mag-stay lang sa room nami