Chapter 69 Mabilis napatumba ni Arthur iyong mga umaatake sa kanila. Katulad ng utos ni Arthur hindi umalis doon si Hilda at kalmado lang na nakatitig kay Arthur. "Ano tinatayo mo diyan!" May sumugod kay Hilda, may hawak na patalim pero before pa dumikit ang patalim sa balat ni Hilda tumumba ang lalaki na may nakabaon na kutsilyo sa likod ng ulo nito. "Talagang hindi ka iiwas." Lumapit si Arthur sa babae at maingat na pinunasan ang pisngi ni Hilda na natalsikan ng dugo gamit ang mga palad. "Sinabi mo na dito lang ako at alam ko naman na ililigtas mo ako," flat na sagot ni Hilda na kinatawa ni Arthur. "Sira na ang sasakyan. Tatawagan ko sina Ivory para makauwi na tayo," ani ni Arthur at maingat na hinawakan ang kamay ni Hilda. Bumalik na sila at naglakad patungo sa main street.