Chapter 61 Noong makatapak ako sa loob mas lalo bumigat ang pakiramdam ko dahil sa nakita ko ang si nanny. No, tuwing nandoon ako sa kubo na iyon palagi ko nakikita si nanny sa bawat sulok ng bahay na iyon. Bahagya ko pinunasan ang pisngi at tiningnan ang ilang gamit sa bahay na iyon na basag-basag. Puno na din ng alikabok ang lugar at putik. Lumapit ako sa dating room namin ni nanny at binuksan ang kurtina. Nakita ko si nanny na nakaupo sa gilid ng kama at agad na naglaho. "Nanny." Humakbang ako papasok ng kwarto. Napatigil ako 'nong may madali ang paa ko kaya napatingin ako sa sahig. Nakita ko anv paboritong maleta ni nanny kaya agad ko na dinampot iyon at binuksan. Walang laman ang maleta. Naaalala ko na puno ng magagandang dress ang maleta na iyon at pinagmamalaki ni nanny na