CHLOE Nang pisilin ni Kris ang kamay ko ay lumuwag ang dibdib ko. Now I just need to gather my courage to face Carter and tell him about our son. Saglit na binitiwan ni Kris ang kamay ko. "Hold a sec, my phone is ringing." Tinanguan ko naman siya. Nandito pa rin kami, nakatayo sa sidewalk at naka-hazard ang sasakyan ko. I waited while she answers her phone. "New York Medical Center? Oh my God!" Napansin kong nawalan ng lakas ang mga binti niya at muntik na siyang bumagsak kung hindi ko siya naabutan at nasalo. "Kris!" I held her steady. "Are you okay?" Putlang-putla siya at nanginginig. "Ahhh... C-C-Caleb's c-car got hit by a t-truck." Sinapo niya ang tiyan niya at bakas ang sakit sa kanyang mukha. S

