CALEB "Manganganak ka na?" Ramdam ko ang pagtakas ng dugo ko sa mukha. I am so nervous, hindi pa niya kabuwanan. "I think it's time. I can feel it." Sa kabila ng pagngiwi niya sa iniindang hilab ng tiyan ay nakakangiti pa ang asawa ko. "Okay. What do I do?" natataaranta kong tanong sa kanya. "Get my purse, and that carry on. I prepared a small bag for the twins. It's together," sabi niya sa akin na nakatayo na. Hindi ko maintindihan kung alin ang uunahin ko. Inalalayan ko siya at saka hinila sa isang kamay ang mga gamit. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Carter na pababa ng hagdan. "What happened?" Umakyat siya at kinuha ang mga bag. "Ako na ang magdadala nito." " It's

