Tahimik na pinagmamasdan ni Konstantin ang kanyang Uncle Dmitri habang inaayos nito ang necktie ng suot na long-sleeved polo. Nasa harap ito ng salamin na nasa loob ng kanyang silid. Kasalukuyan silang nasa kanyang unit at kapwa naghahanda na sa pag-alis. Siya man din ay nakagayak na. Suot niya ang isang puting long-sleeved polo. Sa halip na maglagay pa ng necktie ay pinatungan na lamang niya iyon ng isang itim na Amerika. Sa pang-ibaba ay isang itim na slacks ang ipinares niya. Itim na sapatos din ang nasa kanyang mga paa. Nang sa tingin niya ay maayos na ang lahat sa kanyang tiyuhin ay lumingon na ito sa kanya. Excitement was all over his face. "Shall we go, hijo?" baling nito sa kanya. Hindi kumilos si Konstantin sa kanyang kinauupuan. Nanatili siyang nakaupo sa mataas na stool na n