Agad na napalingon si Brianna sa kanyang kaliwang panig nang makita niya si Alejandro na naglalakad palapit sa kanya. Kasunod nito si Lemuel at ilan pa sa mga tauhan nito. Napatayo siya nang tuwid at mabilis itong sinalubong. "Nakita niyo ba si Xander? N-Nasaan ang anak ko?" saad niya sa halos natatarantang tinig. "I will take you home first," saad ni Alejandro sa kanya sa halip na sagutin ang kanyang mga tanong. Naging sunod-sunod ang pag-iling na kanyang ginawa. Pinaglipat-lipat pa ni Brianna ang kanyang mga mata kay Alejandro at sa ilang tauhang kasama nito. Matapos niya kasing sabihin na hindi na niya makita si Xander at ang tauhan nitong nangangalang Arsenio ay agad ang pagtawag ni Alejandro sa ilan pang tauhan nitong naiwan sa malaking bahay ng mga Lebedev. Agad ang pag-utos ng