Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bakit bigla-bigla ko na lang iniiwasan si Gascon. Sinisiguro ko naman na hindi pa siya nakakauwi o ‘di kaya’y mauuna akong umalis sa kaniya bago pa siya magising. Sinasanay ko na ang sarili kong wala siya sa aking tabi at hindi ko siya nakikita dahil baka mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya at tuluyan na akong hindi makalayo pagkatapos ng graduation ko. Tahimik akong naglalakad sa hallway at nagulat naman ako nang bigla akong akbayan ni Jhauztine. Napadako ang tingin ko sa kaniya at malapad naman siyang ngumiti sa akin. “I-ikaw pala Jhauztine” “Ang lalim naman yata nang iniisip mo baka malunod ka niyan,” biro niya sa’kin. Ngumiti na lang ako sa kaniya at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Ilang minutong katahimikan at siya n