Inihatid ako ni Gascon sa school at kaagad naman siyang umalis para pumunta sa kaniyang opisina. Tulala naman ako habang naglalakad patungo sa aming classroom at hindi ko namalayang kanina pa pala ako tinatawag ni Jhauztine.
Napalingon ako nang lumakas ang tawag niya at tumatakbo siyang papunta sa akin. Pinanliitan niya pa ako ng mata at saka humalukipkip.
“Hoy Trinidad saan ka galing?”
“H-ha? Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ko.
“Pinuntahan kita sa apartment mo dahil nag-aalala ako sa’yo, kagabi mo pa kasi hindi sinasagot ‘yong tawag ko eh. Saan ka ba galing?”
“M-may trabaho kasi ako eh,” pagdadahilan ko.
“Alam mo hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa’kin kung saan ka talaga nagtatrabaho.” Napaiwas naman ako sa kaniya nang tingin dahil kilala ko siya, alam niya kung kailan ako nagsisinungaling.
“J-jhauztine”
“Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit naglilihim ka na sa’kin?” pagtatampo niyang turan.
“I’m sorry Jhauztine hindi ko kasi alam kung matatanggap mo ako eh. Ayoko mawalan ng kaibigan dahil sa klase ng trabaho ko,” nakayuko kong saad sa kaniya.
“Ano ba kasi ‘yon Trinity? Maiintindihan naman kita eh, kaibigan mo ‘ko.” Nag-angat ako nang tingin at tinitigan siya na may panunubig ang mga mata.
Bago pa ako makapagsalita ay bigla namang dumating si Cristel at nagulat na lang ako ng bigla niya akong sampalin. Sapo ko ang pisngi ko at humarang naman si Jhauztine sa aking harapan. Galit na nakatingin sa akin si Cristel at akmang susugod pa siya nang itulak siya ni Jhauztine.
“Ano bang problema mo Chenchansoo?! Bakit ba bigla ka na lang nananakit?!” sigaw niya rito.
“Dahil sa malanding babae na ‘yan kaya nasa peligro ang buhay ni Kenjie!” duro pa nito sa akin.
“Walang kasalanan si Trinity sa nangyari kay Kenjie! Siya pa nga ang nagbantay sa ospital tapos makasisi ka wagas!”
“Iyon na nga eh! sa kakabuntot ni Kenjie sa babaeng ‘yan napahamak pa siya, siguro si Trinity ang puntirya noong bumaril tapos si Kenjie ang tinamaan!”
“Hoy babaeng mukhang paa! Huwag kang mambibintang dahil wala kang ebidensiya.” Inawat ko na si Jhauztine dahil baka may iba pang makakita sa amin.
“Naging customer siya ng kuya ko at narinig kong binanggit ni kuya ang pangalan ng babaeng ‘yan!” Nanlaki ang aking mga mata sa gulat pagkasabing iyon ni Cristel.
Hindi ko alam kung ano dapat ang isasagot ko sa kaniya. Kaya pala ganoon na lang siya sa akin iyon pala ay alam niya ang tungkol sa trabaho ko.
“Hindi gano’n si Trinity!”
“Why don’t you ask her? Ask your bestfriend kung ano ang trabaho niya.” Pagkasabi niyang iyon ay umalis na siya at naiwan naman kami ni Jhauztine.
Napapikit ako at pagmulat ko ay nakatitig sa akin si Jhauztine na tila hinihintay ang aking paliwang. Tumulo na lang ang aking luha at tumakbo na lang ako palayo sa kaniya. Kahit na matagal ko na siyang kaibigan ay ayoko pa ring malaman niya ang totoo sa akin, kahit na ipaliwanag ko pa sa kaniya ay hindi rin naman niya ako maiintindihan.
Tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya pinansin pa. Dahil sa malaki ang campus namin ay hindi ko namalayan na nasa chapel na pala ako, napahinto ako at pinasadahan ito nang tingin.
Dahan-dahan akong lumapit doon at pumasok sa loob. Hindi ko na mabilang kung ilang taon na akong hindi nakakapasok sa loob ng simbahan simula noong magkahiwalay kami ni papa. Naalala ko pa noong bata ako ay madalas kaming magsimba ni papa at pagkatapos ay ipapasyal naman niya ako sa park. Pero mabilis nagbago ang lahat, hindi ko alam kung bakit mas mahalaga pa ang negosyo niya kaysa sa sarili niyang anak.
Pagkapasok ko sa loob ay naupo naman ako at nakatingin sa altar. Hindi ko alam kung para saan ang luhang dumadaloy sa aking pisngi na kaagad ko namang pinunasan. Namimiss ko na si papa, namimiss ko na kung ano kami dati. Masaya naman kami kahit na simple lang ang buhay namin noon. Wala akong kinagisnang ina at tanging siya lang ang kasama ko simula pagkabata pero iniwan din akong nag-iisa kaya heto ako ngayon napilitang magtrabaho kahit hindi ko gusto dahil sa pagbebenta sa akin ng sarili kong tiyuhin.
At ngayon naman ay nauugnay ako sa hindi ko kilalang lalaki at kilalang mamamatay tao. Ang malas ng buhay ko ngayon at hindi malaman kung bakit pinaparusahan ako ng ganito. Ngayong alam na ni Jhauztine ang totoo, hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ito sa kaniya dahil sa paglilihim ko sa kaniya.
Nagulat na lang ako ng may umupo sa aking tabi kaya mabilis akong napatingin sa kaniya. Nakita ko si Jhauztine na nakamasid sa may altar at dahan-dahang tumingin sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at humarap pa sa akin nang bahagya.
“Trinity, wala ka bang tiwala sa’kin? Sa tingin mo ba hindi ako karapat-dapat na pagkatiwalaan mo?” naluluhang saad niya sa’kin.
“H-hindi Jhauztine. Malaki ang tiwala ko sa’yo alam mo ‘yan, kaya lang nahihiya ako dahil ayokong isipin mo na ganoong klaseng babae ako”
“Kahit kailan Trinity hindi kita pinag-isipan ng masama. Alam kong may dahilan ka pero sana ‘wag ka namang maglihim sa’kin dahil kaibigan mo ‘ko at nag-aalala ako sa’yo,” garalgal niyang wika.
“I’m sorry Jhauztine, natatakot lang kasi ako baka ikahiya mo ako eh saka baka__”
“I understand Trinity. Wala kang magulang kaya naiintindihan ko, basta kapag may kailangan ka huwag kang mahihiyang lumapit sa’kin okay?” Dahil sa sinabi niyang iyon ay bigla ko siyang niyakap nang mahigpit.
Masaya ako kasi nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya. Wala man akong magulang ay may kaibigan naman akong maaasahan at maunawain kaya maswerte pa rin ako kasi naging kaibigan ko siya at parating nasa tabi ko.
“Saan ka ba nagtatrabaho? Safe naman ba do’n? Hindi ka ba nila binabastos?” sunod-sunod niyang tanong nang kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya.
“Noong isang beses pero hindi tulad ng dati ang trabaho ko, waitress na ako ngayon”
“Mabuti naman, ang dami pa namang manyak ngayon. Bakit hindi ka na lang mag-apply ng ibang trabaho?”
“Hindi puwede Jhauztine kasi__” Natahimik akong bigla dahil hindi ko puwedeng sabihin sa kan’ya na binili na rin ako ni Gascon.
Ayokong pati siya ay mapahamak kapag sinabi ko ang tungkol sa kaniya lalo na ang nangyari kay Kenjie. Kailangan kong sumunod sa kaniya at para malaman kung ano talaga ang pakay niya sa akin.
“Bakit Trinity may problema ba?”
“W-wala naman, may utang kasi ako sa kanila na dapat kong bayaran at isa pa binenta kasi ako ng tiyuhin ko kaya kailangan kong bayaran ‘yon,” pagsisinungaling ko na lang sa kaniya.
Pagkatapos ng huling klase namin ay hinarap naman ako ni Jhauztine habang inaayos ko ang aking mga gamit. Kinalabit niya pa ako kaya napatingin ako sa kaniya at taka ko siyang tinitigan dahil sa labas siya ng classroom namin nakatingin.
“Bakit Jhauztine?”
“Kanina ko pa napapansin na parang may nagmamasid sa atin eh,” bulong niya sa’kin.
Tumingin ako sa labas at pagkuwa’y lumapit pa sa may pintuan at nagpalinga-linga roon pero wala naman akong nakitang tao sa labas. Nag-uwian na rin ang ibang mga estudyante kaya kami na lang ni Jhauztine ang naiwan sa palapag na ito.
“Wala namang tao ah, baka guni-guni mo lang ‘yon?”
“Hindi Trinity, kaninang umaga ko pa kasi siya napapansin eh at isa pa hindi siya estudyante rito hindi kasi siya naka uniform.” Inisip ko naman kung sino ang tinutukoy ni Jhauztine.
Imposible naman ‘yong nakausap ko noon dahil kilala na niya ito sa itsura pa lang. Biglang sumagi sa isip ko si Gascon baka siya ang tauhang pinadala niya para bantayan naman ako.
“Tara na Jhauztine umalis na tayo rito,” yaya ko na sa kaniya.
Nagmamadali naman kaming lumabas ng school dahil baka mahalata pa niya ito at magtanong nang magtanong sa’kin. Nang makalabas na kami ay nagpaalam na rin kami sa isa’t-isa at sinabi niya sa’kin na minsan ay pupuntahan niya raw ako sa aking pinagtatrabahuhan.
Tulad ng dati ay malalim na sa gabi kung pumasok ako sa bar para wala nang makakapansin sa akin. Pagkarating ko roon ay kaagad naman akong binati ni Ate Josie na kakatapos lang magserve sa kabilang lamesa.
“Kumusta Trinity?” nakangiting saad niya.
“Okay lang ate, pasensiya na hindi ako nakapasok kagabi ah may emergency lang kasi eh,” nahihiyang turan ko.
“Okay lang hindi naman galit si Madam Claudia,” sabay kindat niya sa’kin.
Naglalakad naman kami papunta sa dressing room para makapagpalit na ako ng damit. Napahinto pa ako at hinarap siya na nakasandal sa pader malapit sa pintuan.
“Talaga?” Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi ni Ate Josie sa akin.
“Oo Trinity, tumawag kasi si Sir Gascon na hindi ka raw makakapasok dahil masama raw ang pakiramdam mo”
“Ano?!” sigaw ko na may halong pagka gulat.
Lumapit pa siya sa akin at pinitik ang aking noo. “Hoy Trinidad! Nagsasama na ba kayo noong Gascon na ‘yon?”
“H-hindi ah!”
“E paano niya nalaman na masama ang pakiramdam mo?” malokong tanong niya sa’kin.
Tumikhim ako at nag-iwas na lang nang tingin at pumasok na lang sa loob ng dressing room. Sumunod naman siya sa akin at pinapanood naman ang bawat kilos ko. Natigilan ako at hinarap siya, nakangisi siya sa’kin at alam ko kung ano ang ibig niyang ipahiwatig.
“Bakit ganiyan ka makatingin Ate Josie?”
“Naku Trinidad ha mag-iingat ka sa kaniya dahil mukhang bihasa ‘yon”
“Bihasa saan?” Lumapit siya sa’kin tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
“Hindi mo siya kakayanin Trinity sa liit mong ‘yan tiyak ospital ang aabutin mo at malamang pa niyan baka ilang araw kang baldado,” sabay tawa niya at lumabas na ng dressing room.
Napanganga na lang ako at naiiling na lang dahil sa kaniyang pinagsasabi. Hindi ko hahayaang makuha niya basta-basta ang kaisa-isa kong pinagmamalaki dahil ibibigay ko lamang iyon sa lalaking makakasama ko pang habang buhay.
Alas tres na ng madaling araw nang matapos ang aking trabaho. Nauna nang umuwi ang ibang mga nagtatrabaho sa bar at kami na lang ni Ate Josie ang naiwan para magligpit. At nang matapos na namin ang dapat tapusin ay pinauna ko na siya dahil magbibihis pa ako bago umuwi.
Dahil sa sobrang pagod ay naupo muna ako saglit sa bar counter at hinilot ang aking mga paa dahil ilang oras din akong nakasuot ng takong at hindi pa ako nakakaupo magmula nang magsimula ang aking trabaho.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napalingon akong bigla at nakita ko ang limang kalalakihan na may hawak na baril. Napatayo ako at napaatras dahil sa takot at napansin ko pa ang isang lalaki sa gitna at nakilala ko kung sino ito. Siya iyong lalaki na bumastos sa akin at nakaharap ni Gascon.
Mahigpit akong napakapit sa upuan at dahan-dahan naman silang lumalapit sa akin. Hindi ako makapag-isip ng maayos kung ano ang gagawin ko dahil mag-isa na lang ako rito at walang ibang tutulong sa akin.
Bago pa sila makalapit ay tumakbo na ako, ngunit hindi pa ako gaano nakakalayo nang haklitin naman ng isang lalaki ang buhok ko kaya napahawak ako rito at napangiwi.
‘Aray ko! Bitawan mo ko!” pagmamakaawa ko sa kaniya.
Iniharap niya ako at sinampal nang malakas kaya napasalampak ako sa sahig. Napatingala ako sa kanila at kita ko kung paano nila ako titigan. Sa bawat paglapit nila ay siya namang pag-atras ko. Tatayo sana akong muli nang hawakan ng isang lalaki ang aking paa dahilan nang pagkakadapa ko.
Iniharap niya ako at hinawakan ang pagkabilang kamay ko at ang isang kasama niya ay nakahawak sa aking mga binti. Hindi ako makagalaw dahil sa higpit nang pagkakahawak nila kahit na anong pagpupumiglas ko.
“Natatandaan mo pa ba ako ha?” tanong sa akin ng lalaki at yumuko pa ito sa akin.
“Parang awa mo na pakawalan mo na ako,” umiiyak kong turan.
“Pakakawalan ka lang namin kapag natikman ka na namin.” Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at tumawa naman sila nang malakas.
“Nakikiusap ako huwag niyong gawin sa’kin ito! Tulong! Tulungan niyo ako!” sigaw ko habang nagpupumiglas ako.
“Kahit na magsisigaw ka pa walang makakarinig sa’yo!” Pagkasabi niyang iyon ay pinunit niya ang suot kong blouse kaya lumantad ang itim kong bra.
“Parang awa niyo na! Pakawalan niyo na ako!” Pakiusap ko sa kanila, ngunit tila sila mga bingi at hindi pinansin ang aking sinabi.
Sinunod ng isang lalaki na nakahawak sa aking hita ang suot kong palda at mas lalo akong nagsisigaw nang punitin niya ang suot kong panty at sila naman ay ligayang-ligaya sa ginagawa nila sa akin.
“Boss ang puti nito ang sarap papakin!” nakangiting wika ng isang lalaki.
“Mga hayop kayo!” sigaw ko habang umiiyak.
“Ssssh, pakakawalan ka naman namin eh. Maniningil lang kami dahil sa ginawa mo sa amin noon.” Ngumisi siya sa akin at maya-maya pa’y nakarinig kami ng pagkalabog at napatingin ako sa may pinto.
Nakita ko si Gascon na galit ang mukha at may hawak na baril sa kaniyang magkabilang kamay. Hindi siya nagdalawang isip na patayin ang lalaking nakahawak sa aking mga binti at kaagad itong natumba. Tumayo naman ang lalaking nakahawak sa mga kamay ko at bubunutin pa sana niya ang kaniyang baril ngunit tinamaan na siya ni Gascon sa kaniyang ulo.
Napatakip ako sa aking dibdib at itiniklop ko ang aking mga hita. Nanginginig na ako sa takot dahil ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong eksena.
“Sino sa inyong tatlo ang gusto niyong unahin ko?” wika ni Gascon na nakatutok ang dalawang baril sa kanila.
“Ikaw na naman? Hanep ka talaga! Syota mo ba itong pokpok na ‘to ha?” Hinablot ng lalaki ang aking buhok kaya napangiwi ako dahil sa sakit. “Tingnan mo kung paano ko siya halikan sa harap mo!” Hinawakan niya pa ang panga ko at pilit na hinahalikan.
Napasigaw pa ako ng bigla na lang siyang barilin ni Gascon sa ulo at sinunod naman niya ang dalawang lalaki na tatakbo na sana palabas ng bar. Nilapitan niya ako at hinubad ang suot niyang pang-itaas at sinuot sa akin. Inalalayan niya akong makatayo at muntikan pa akong matumba dahil nanginginig ang aking mga tuhod dahil sa takot.
“Let’s go”
“S-sandali lang”
“What?” takang saaad niya.
“M-magpapanty lang ako”
“f**k Trinity huwag mo nang intindihin ‘yan, bibilhan na lang kita ng maraming panty kailangan na nating umalis dahil baka may makakita pa sa atin dito.” Mabuti na lamang ay medyo mahaba ang t-shirt niya kaya hindi naman halata kung may panty ako o wala.
Nang nasa sasakyan na kami ay may tinawagan siya at halata naman sa mukha niya ang galit. Napapamura pa siya nang mahina ng hindi pa nito sinasagot ang kaniyang tawag.
“f**k Erick where the hell are you?!” sigaw niya na mas lalong nagpatinding ng aking balahibo. “I told you keep an eye on her! Kung hindi pa ako dumating baka__” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang tumingin siya sa akin at napabuntong hininga. “I’ll call you again.” Pagkatapos niyang makipag-usap ay hinagis na lang niya ang telepono niya sa likod.
“S-salamat,” nakayuko kong saad at hindi ko kayang tumingin sa kaniya.
“From now on you’re gonna live with me.” Mabilis ko siyang binalingan at nakatuon lang ang atensyon niya sa daan.
Dito na mag-uumpisa ang kalbaryo ko sa kaniya at isa pa kailangan kong malaman kung ano ang totoo niyang pakay sa akin at gusto kong matukoy kung mabuti ba o masama ang kaniyang hangarin.