Umabot pa kami ng dalawang araw ni Trinity sa yate at nahalata ko naman na masaya siya sa mga hinanda ko. At syempre hindi ko rin siya tinigilan hangga’t sa makauwi kami. Dumeretso na akong kaagad sa opisina ko pagkahatid ko sa kaniya at sinalubong naman ako ni Erick at Julius na naghihintay sa loob ng aking opisina. “Boss happy?” Bungad kaagad sa’kin ni Erick. Umupo kami sa sofa at sila naman ay nasa magkabilang gilid ko. Sumandal ako at pinag-krus ko naman ang aking mga hita. “What do you think Erick?” nakataas ang kilay kong saad sa kaniya. “Syempre mukhang satisfied ka naman. Talagang inangkin mo na si Trinity ng tuluyan Gascon.” Tumawa naman silang dalawa at inirapan ko lang sila. “Si Jhauztine nga pala confirm na hindi magandang ehemplo siya kay Trinity.” Napatingin ako kay Juli