CHAPTER 23

2364 Words
CHAPTER 23 Nakaupo ako sa sofa at masama ang tingin ko sa aking tauhan habang may pinapaliwanag siya sa’kin. Pabagsak kong ibinaba ang hawak kong baril sa center table at pansin ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata at takang tumingin sa akin. “B-bakit boss may nasabi ba akong hindi maganda?” saad niya na hatala sa itsura niya ang kaba. “Meron, you wanna know what is it?” “A-ano p-po ‘yon?” Bumuntong hininga muna ako at muli siyang binalingan. “I want to kill you for disturbing me,” may diing saad ko. “P-po?! Bakit naman boss?” “Nagtanong ka pa!” sigaw ko sa kaniya na may halong inis. “Sorry na hindi ko naman po kasi alam na iisa ka pa eh” “Shut up! Now go.” Tumayo na siya at lumabas na ng condo ko. Pabagsak naman akong sumandal sa couch at sandaling pumikit. Tapos na marahil ang pinagawa ko sa mga tauhan ko at tiyak na wala na roon ang mga naiwang gamit ni Camilla. Tama si Trevor I need to forget her dahil kailanman ay hindi na siya babalik. Pero ang hindi ko matiyak kung may puwang pa ba si Camilla rito sa puso ko o si Trinity na ba ang siyang pumalit dito. I know that she’s the daughter of Roberto Algaser, ang taong pumatay sa aking ama. Hinding-hindi ko makakalimutan ‘yon at kailangan kong pigilan itong puso kong mahulog sa kan’ya. I don’t want to hurt her at ayoko ring maulit pa ang nangyari sa’kin ten years ago. I need to find her father as soon as possible para matapos na ‘to at pakawalan ko na siya nang tuluyan. Pagkatapos kong magluto ng aming almusal ay hinanda ko na ito sa lamesa at nagtungo ako sa aking kuwarto para maligo dahil meron akong meeting ngayon sa opisina. Nang matapos na ako at handa nang umalis ay nagtungo akong muli sa kusina upang kumain naman ng almusal. Nakita kong nabawasan na ang pagkain sa lamesa at natitiyak kong nakakain na si Trinity ng almusal. “Why she didn’t bother to call me for breakfast?” inis kong wika sa aking sarili. Nawalan na ako ng gana kumain kaya uminom na lang ako ng tubig. Lalabas na sana ako ng condo ko nang lumabas naman si Trinity sa kaniyang kuwarto at papasok na rin sa kaniyang school. I stopped and looked at her but she just avoided looking at me. I know she’s thinking about what happened to us, another thing I’m afraid she’ll fall in love with me deeply so as much as possible I have to be bad in her eyes. Alam kong una pa lang ay plano ko na talaga ang paibigin siya dahil sa tatay niya dahil gusto kong makaganti dahil sa kasalanan niya sa aking ama. Pinatay niya ang daddy ko kaya sasaktan ko rin ang anak niya. Pero ayoko namang gawin ‘yon sa anak niyang si Trinity dahil wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng daddy ko pero iyon lang ang natatanging paraan para matunton ko kung saan nagtatago ang tatay niya. “Are you going to school?” “O-oo, p-paalis na rin ako,” sagot niya ng hindi pa rin nakatingin sa’kin. “I will drop you to school” “Hindi na kaya ko naman eh. Saka isa pa sanay naman ako magcommute.” Lalagpasan na sana niya ako ngunit hinawakan ko siya sa palapulsuhan niya at hinila na palabas ng condo. Wala akong narinig na pagtutol niya at alam kong natatakot siya dahil sa mga banta ko sa kaniya. Tahimik naman kami sa sasakyan habang tinatahak namin ang daan papunta sa kaniyang pinapasukan. Nang makarating na kami ay kaagad siyang bumaba at hindi man lang nag-abalang magpaalam sa’kin. “So, you’re avoiding me huh,” sabi ko na lang sa aking sarili. Kaagad akong umalis sa lugar na ‘yon at nagtungo na sa aking opisina. Pagkarating ko sa aking opisina ay naabutan ko naman ang dalawa kong kapatid na si Lucas at Trevor na perenteng nakaupo sa mahabang sofa. “What are you two doing here?” “Anniversary ng MGC next week what is your plan?” tanong kaagad ni Lucas nang makaupo na ako sa aking swivel chair. Napahilot na alng ako sa aking batok dahil nakalimutan kong anniversary na pala ng Montealegre Group of Companies na siyang pinalago ng aming ama. Ako na ang namahala nito simula nang mamatay si daddy na dapat ay si Roco ang hahawak ng kumpanya namin. Ngunit tumanggi siya dahil mas pinagtuunan niya nang pansin ang sarili niyang negosyo. “Tell them that we have a meeting today.” Tiningnan ko ang calendar na nakapatong sa gilid ng aking lamesa at napatapik pa ako sa aking noo nang mapagtanto na sa mismong birthday din ni Trinity ang anniversary ng kumpanya. “Do we have a problem?” tanong sa’kin ni Trevor na nakaupo na sa aking harapan. “Nothing. Call them let’s start our meeting,” nasabi ko na lang sa kan’ya. Ilang oras pa ay nagsimula na ang meeting at pinatawag ko ang iba kong empleyado na matataas ang posisyon. Tila wala naman doon ang isip ko at tanging na kay Trinity pa rin ang atensyon ko. I wasn’t like this with Camilla, but why is Trinity bothering my mind now? “Are you okay with that sir?” tanong ng isang emplayadong nagsasalita ngayon sa aking harapan. Nang hindi ako sumagot ay siniko na lang ako ni Trevor na siyang ikinapitlag ko. Umayos ako sa aking pagkakaupo at pansin ko na halos silang lahat ay nakatingin sa akin. “What are you looking at?” masungit kong sambit sa kanila. Umiwas sila sa’kin nang tingin at humalukipkip. Binalingan ko naman ang empleyado sa aking harapan at tila hinihintay lang niya akong magsalita. “Who’s our guest anyway?” Hindi siya kaagad nakapagsalita na ikinataka ko. “I’m asking you who’s our guest in that event?” “Andreano’s Group of Companies sir” “What?! Are you out of your mind?! What the!” Napatayo akong bigla at tila umakyat ang dugo ko sa aking bunbunan pagkasabi niyang iyon. Napasabunot ako sa aking buhok na tila nagpipigil lamang ako ng aking galit. Alam kong isa sila sa may pinaka malaking kumpanya rito at parating imbitado ang ibang naglalakihang kumpanya sa tuwing magkakaroon ng event sa aming kumpanya. Pero ang hindi ko inaasahan ay pati pala ang kumpanya ng mahigpit kong kalaban ay imbitado rin pala. “Mr. Montealegre, kasali sila sa listahan ng iimbitahin dahil isa sila sa__” “I know your point! But they’re my fierce opponent,” sambit ko sa isa sa mga emplayado ko. “Bro iisantabi mo muna ‘yang galit mo, be professional wala namang mawawala kung pupunta ang mahigpit mong kalaban.” Napatingin ako kay Lucas na seryosong nakatitig sa’kin. Nang matapos na ang meeting ay kaagad kaming nagtungo sa aking opisina at pabagsak akong naupo sa aking upuan. At ng hindi ako mapakali ay tumayo ako at nagsalin ng alak sa baso na nasa aking estante at inisang lagok ito. “Bro, as what Lucas said earlier be professional.” Hinarap ko naman si Trevor at napabuntong hininga na lang ako. “Ang mahalaga hindi niya aagawin si Trinity.” Mabilis akong napatingin kay Trevor na nakangisi sa akin at pabagsak kong ibinaba sa lamesa ko ang hawak kong baso na may lamang alak. “What do you mean Trevs?” “Naagaw niya ang ibang mga investors natin, possible rin na mangyaring maagaw niya si Trinity sa’yo. What do you think Gascon?” Napakuyom naman ako ng aking palad pagkasabing iyon ni Trevor. I won’t let that happen. Wala pang sino mang nakakatalo sa’kin at higit sa lahat wala akong balak ibigay kung kani-kanino ang pag-aari ko hangga’t nasa poder ko si Trinity ay pag-aari ko pa rin siya. “I will kill him before that happens,” mahinang wika ko kay Trevor. “Why you want to do that? Because she’s your property or maybe you already have a feelings for her?” Natigilan ako at humarap sa aking bintana. “Ganito na lang Gascon baguhin natin ang tanong ni Trevor kung nahihirapan kang sagutin. Nakalimutan mo na ba si Camilla or pinipilit mong kalimutan siya sa pamamagitan ni Trinity dahil hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin?” Napapikit na lang ako nang mariin dahil sa mga tanong na ibinabato sa akin ng dalawa kong kapatid. Naguguluhan ako, maaaring tama si Lucas dahil ang tanging sadya ko lang talaga ay patayin din ang ama niyang si Roberto. Matagal nang nakaalis ang dalawa kong kapatid pero tila malayo pa rin ang iniisip ko. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos at iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa’kin ng mga kapatid ko. Tinapos ko na lang muna ang lahat ng mga meetings ko at nagpasya na lang akong umalis sa aking opisina. Hindi ko alam kung saan ako patungo at patuloy lang ang aking pgmamaneho. Ilang oras pa ang lumipas ay natagpuan ko ang aking sarili na nasa isang sementeryo. Mukhang dito ako dinala ng tadhana para makapag-isip kung tama ba ang ginagawa ko. I will never be like this before. Trevor is right, simula nang mawala si Camilla ay naging ganito na ‘ko. Halimaw kumbaga, halimaw sa mata ng karamihan. Siguro ay nabalot na rin ng galit ang puso ko dahil sa nangyari sa ama ko at nangyari na rin kay Camilla. I think I’m going crazy because until now I don’t know where he is and who killed Camilla that day. Hindi naman mahirap ipahanap para sa’kin ‘yon, sa katunayan ay isang araw lang ay natutunton ko na kung nasaan ang kalaban. Pero ngayon masyadong magaling magtago ang kalaban at natitiyak kong marami siyang koneksyon at iyon ay ang kailangan kong alamin. Bumaba ako sa aking sasakyan at pumunta sa puntod ng aking ama. Ilang taon ko na rin siyang hindi nabibisita dahil nangako ako na bibisitahin ko lang siya kapag nahanap ko na ang taong pumatay sa kan’ya, pero heto ako ngayon nakatayo sa harapan ng kaniyang puntod. “Dad, I’m sorry. Sorry kasi hindi ko natupad ang ipinangako ko sa’yo. Hindi ako nararapat sa posisyong ito bilang Mafia Boss. Iisang tao lang pero hindi ko pa makita,” garalgal kong wika habang nakatitig sa kaniyang lapida. Naunang mamatay si Camilla pagkatapos sumunod naman ay ang aking ama. Malakas akong nagpakawala ng buntong hininga at tumingala ako sa kalangitan. At problema ko pa ngayon ay kung ano na ang tunay kong nararamdaman. I know it’s just lust at hindi ito katulad nang nararamdaman ko noon kay Camilla. Trinity is my first kiss but she’s not my first love at iyon ang kaibahan nila. Hindi na ako nagtagal pa ay umalis na rin ako. Tiningnan ko ang relo kong pambisig at malapit na ring matapos ang klase ni Trinity. Inihinto ko ang sasakyan ko sa harapan ng kaniyang school at hinihintay na lang ang paglabas niya. Ilang minuto pa akong naghintay ay natanaw ko na siya sa malayo. Bababa na sana ako nang makita ko ang kaniyang magagandang ngiti. Napatulala ako dahil ngayon ko lang nakita ang mga ‘yon. Simula nang makilala ko siya sa bar at ngayo’y nakatira na sa’kin ay hindi ko pa siya nakitang ngumiti ng gano’n. Mas lalo siyang gumanda sa simpleng ngiti niyang iyon. Napayuko na lang ako sa aking manibela at panay naman ang aking buntong hininga. Nang mag-angat ako ng mukha ay wala na siya sa aking harapan kaya hindi na ako nag-abala pang hagilapin siya. Binabantayan naman siya ni Austin kaya puwede na rin naman akong umalis. Nagpunta ako sa bar ni Roco ngunit wala naman siya roon kaya ang mga empleyado na lang niya ang nag-entertain sa’kin. Mag-isa lang akong umiinom sa bar counter at hindi ko alam kung nakakailang bote na ‘ko ng alak. Nakakaramdam na ‘ko nang pagkahilo kaya nagpasya na rin akong umalis. Pagewang-gewang naman akong lumabas ng bar at hindi ko na pinansin ang pagtawag ng mga bouncer ni Roco sa’kin at pumasok na ako nang tuluyan sa aking sasakyan. Papaandarin ko na sana ito nang katukin naman ako ng isang lalaki na wari ko’y tauhan ni Roco. Ibinaba ko aking bintana at sinulyapan siya na medyo namumungay na ang aking mga mata dahil sa kalasingan. “What?” “Boss ako na po ang magmamaneho lasing na po kasi kayo eh.” Inirapan ko lang siya at sumandal sa aking upuan. “Sige na po boss baka kasi mapagalitan ako si Sir Roco kapag pinabayaan ko kayo eh.” Napangisi na lang ako at muli siyang binalingan. Umiwas siya sa’kin nang tingin at saka yumuko. Lumipat ako sa passengers seat at hinayaan ko na lang siya ang maghatid sa’kin. Nang makarating na kami sa aking condo ay inalalayan niya ako hanggang sa makarating sa mismong unit ko. Nakapikit lang ako at natitiyak kong nasa kuwarto na ako. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at naaninag ko naman ang mukha ng isang babae. Medyo malabo ito kaya muli kong ipinikit ang aking mga mata at ilang segundo pa ay muli akong dumilat. Nagulat ako sa aking nakikita at hindi makapaniwala dahil nasa harap ko si Camilla at titig na titig sa’kin. Marahan kong inangat ang kamay ko para hawakan ang kaniyang mukha at alam kong hindi ito isang panaginip lang. Naramdaman ko naman na may tumulong luha sa aking pisngi at sa unang pagkakataon ay muli ko itong naranasan. “Camilla? You’re back.” Hindi siya nagsalita at nakatitig lamang sa akin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at hinawakan ko siya sa kaniyang batok at siniil nang halik. Aaminin ko I really miss her at hindi ko na alam kung may puwang pa siya sa puso ko pero sobra ko siyang namiss. But the taste of her lips is so familiar. I don’t have a chance to taste her lips but I know that who it is. Siguro ay nagha-hallucinate lang ako dahil sa sobrang kalasingan ko kaya kung sino na lang ang pumapasok sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD