CHAPTER 27
“Hi Trinidad!” masayang bati sa’kin ni Jhauztine habang papalapit sa’kin.
“Parang ang saya mo yata?”
“Ano ka ba nakalimutan mo na?” Napahinto kami sa aming paglalakad at hinarap ko naman siya.
Nakakunot ang noo ko at pinanliitan naman ako ng mata dahil hindi ko matukoy kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Ang alin naman ‘yon?”
“Hala siya! hindi mo maalala?” umiling ako sa kaniya at napatapik naman siya sa kaniyang noo. “Debut mo kaya! Happy birthday bestfriend!” Nanlaki ang mga mata ko dahil ngayong araw na pala ang kaarawan ko.
Ang araw na sana kasama ko ang papa ko ngayon. Ito rin ang pinaka malungkot kong kaarawan dahil kahit isa sa pamilya ko ay hindi ko kasama. Mukhang napansin naman ito ni Jhauztine dahil bigla akong natahimik kaya kaagad niya akong hinawakan sa magkabilang braso.
“Trinity ayos ka lang?”
“O-oo, pasensya ka na, dapat masaya ako ngayong araw na ‘to pero parang may kulang pa rin.
“Ang papa mo ba?” Tumango ako sa kaniya at pumatak na lang ang luha ko sa aking pisngi.
“Huwag ka nang malungkot, mag-celebrate na lang tayo mamaya pagkatapos ng klase natin okay?” Tipid akong ngumiti sa kan’ya at sabay na kaming pumasok sa aming klase.
Pagkatapos ng huling klase ko ay nagtungo muna ako sa locker ko para ilagay ang ilang mga gamit ko. Pagbukas ko ay bumungad ang isang white envelope at kinuha ko naman itong kaagad. Wlang nakasulat kung kanino ito galing kaya hindi na rin ako nagdalawang isip pang buksan dahil baka importante ang laman noon.
Pagkabukas ko naman noon ay may nahulog pa na dalawang picture sa sahig kaya naman kaagad ko itong pinulot. Tinitigan ko itong mabuti at nagulat pa ako nang makilala si papa sa picture at may karga itong isang batang babae pero alam kong hindi ako ito. Sa kaliwang bahagi naman niya ay akbay niya ang isang magandang babae at kung titingnan ko ay para silang isang pamilya.
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang kanilang larawan at ang isa naman ay larawan ng isang batang babae na wari ko’y nasa edad na tatlong taon. Imposibleng may ibang pamilya ang papa ko dahil noong hindi pa siya umaalis ay parati naman kaming magkasama at wala naman siyang nababanggit tungkol dito.
Napatayo akong bigla at may napagtanto ako. Siguro kaya hindi umuuwi si papa ay baka pinuntahan niya itong pamilya niya at doon na umuuwi. Kaya siguro hindi na siya nagpapakita pa sa’kin dahil may iba pa pala siyang pamilya.
Nailakumos ko ang litratong hawak ko at sapo ko naman ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay bigla itong nanikip. Samo’t sari na ang mga naiisip ko ngayon at iniisip ko rin kung sino ang taong nagpadala nito sa akin.
Nakita ko ang isang sulat na kasama ng mga litrato at binasa ko ito. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakasulat at napatutop na lang ako ng aking bibig.
“N-no, hindi ito totoo. Hindi puwedeng magkaroon ng ibang pamilya ang papa ko,” wika ko sa aking sarili habang nakatitig pa rin sa sulat.
Tama nga ang hinala ko na may ibang pamilya ang papa ko. Talagang inabandona na niya ako at pinabayaan at nagpunta na siya sa totoo niyang pamilya. Pinunit ko ang sulat at litrato at tinapon sa basurahan na katabi lang ng aking locker.
Masama ang loob ko dahil tuluyan na niya akong pinabayaan at ang masakit pa nito ay sa mismong kaarawan ko ito nalaman. Napahawak ako sa kuwintas na suot ko na bigay pa sa akin ni papa bago pa kami magkahiwalay at may picture namin itong dalawa.
Hinila ko ito dahilan nang pagkakapigtas ng aking kuwintas. Tinitigan ko ito at itinapon sa aking locker at pabagsak ko itong isinara. Sumandal ako roon at kinagat ko pa ang ibabang labi ko para hindi ako tuluyang mapahagulgol. Ang tagal kong hinintay na makita si papa at makasama ko man lang siya, pero hindi ko inaasahan na ito ang bubungad sa akin at sa pinaka mahalagang araw ko pa.
Ngayong alam ko na, wala na akong dapat pang hintayin dahil kahit kailan ay hindi na babalik si papa dahil mayroon pala itong pamilya bukod pa sa amin ni mama. Pinagsusuntok ko ang dibdib ko para kahit papaano ay matakpan ang sakit na nararamdaman ko.
“Hoy Trinity anong ginagawa mo?!” Hinawakan ni Jhauztine ang kamay ko at hinarap ako.
Tumingin ako sa kaniya na tila’y nagtataka siya dahil sa aking tinuran. Walang sabi-sabi ko siyang niyakap ay doon ako malayang umiyak. Hindi na siya nagtanong pa at hinayaan na lamang niya akong umiyak sa kaniya hanggang sa mahimasmasan ako.
Nasa isang malawak na parke naman kami nagpunta at kumakain ng paborito naming pagkaing street foods. Hindi ko masyadong ginalaw ang pagkain ko dahil ang totoo niyan ay wala akong ganang kumain ngayon. Kahit lunukin ko ang pagkain ko ay hindi ko magawa at tila ba’y bumabara ito sa aking lalamunan.
“Trinity ano bang nangyari?” mahinang wika sa’kin ni Jhauztine.
Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang aking pagkain. Heto na naman ako, parang nagbabadya na namang pumatak ang aking mga luha. Nag-angat ako sa kaniya nang tingin at hinawakan naman niya ang aking isang kamay.
“Jhauztine”
“Sige lang Trinity, kung ano man ‘yan handa akong makinig sa’yo. Kaibigan mo ‘ko remember?”
Tumango ako sa kan’ya at pilit na ngumiti. “Hindi na kami magkikita pa ng papa ko kahit na kailan”
“Ano? P-pero paano? Sino ang nagsabi sa’yo?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.
“May nagpadala ng sulat at litrato ni papa kasama ang totoo niyang pamilya,” malungkot kong saad sa kaniya.
Hindi ko naman mapigilang maluha habang kinukuwento ko sa kaniya ang nangyari. Mag-isa na lang ako ngayon at wala ng pamilya. Ang inaasam-asam kong makita ang papa ko ay hindi na matutupad at habang buhay na rin akong nakakulong kay Gascon. Pero kung sakali mang makalaya ako sa kaniya ay sisiguraduhin kong aayusin ko ang buhay ko at magkakaroon ng isang disenteng pamilya na hindi kagaya ni papa.
“Trinity, sigurado ka ba diyan sa sinasabi mong iyan?” may pag-aalangang wika niya.
“I saw the pictures Jhauztine, at sigurado akong hindi ako ang batang ‘yon. May picture ako noong bata ako kasama si papa alam mo ‘yan.” Napahawak ako sa aking leeg at napagtanto kong hinubad ko pala ito at nilagay sa aking locker.
Napapikit na lang ako nang maalala ko ‘yon at naihilamos ko na lang ang palad ko sa aking mukha. Napabuga na lang din ako nang malakas sa hangin dahil hindi ko rin naramdaman na birthday ko ngayon dahil sa nalaman ko.
“Trinity, huwag ka nang malungkot, siguro may dahilan naman ang papa mo at darating din ang araw na magpapaliwanag siya sa’yo”
“Kailan pa Jhauztine? Kapag patay na ‘ko? Hindi niya naisip na may anak siyang nangungulila sa ama. Namatay ang mama ko sa panganganak sa’kin, tapos naman iniwan ako ni papa at iyon pala may iba pa pala siyang pamilya kaya hindi na niya ako binalikan,” umiiyak kong sabi sa kaniya.
Dapat masaya ako ngayon dahil ito ang araw na ganap na akong isang dalaga pero kabaligtaran naman nito ang nararamdaman ko. Sobrang bigat ng dibdib ko at para bang sasabog na ito sa sama ng loob.
Tumabi sa akin si Jhauztine at niyakap ako. Nawalan man ako ng pamilya ay nagkaroon naman ako ng isang matalik na kaibigan na parating nasa tabi ko at hindi ako iniwan. Siya na lang ang meron ako ngayon at ayokong pati siya ay mawala rin sa akin.
Malapit na gumabi nang magpasya kami ni Jhauztine na umuwi na. Simple lang ang naging pagsasalo namin basta mairaos ko lang ang kaarawan ko. Pilit niya akong pinasaya kahit na alam niyang mabigat ang pakiramdam ko ngayon dahil sa nalaman ko kay papa.
Pagkarating ko naman sa bahay ay naabutan ko si Gascon na nakatayo sa harap ng malaking bintana at pakiwari ko’y umiinom ito ng alak. Pinasadahan ko siya nang tingin at nagtaka ako dahil sa disente niyang ayos. Unti-unti siyang humarap sa akin at wala ako sa sarili kong napaawang ang mga labi ko dahil sa kaniyang itsura.
He’s so manly at pansin ko rin na bagong gupit din ito at nakataas ang buhok. Lumapit siya sa akin at ipinatong ang hawak niyang alak sa lamesa. Hinaplos niya ang braso ko patungo sa aking kamay at marahan itong hinawakan.
Napamura na lang ako sa aking isipan dahil biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib na hindi ko naman nararamdaman noon sa kaniya. Inilapit niya pa ang sarili niya sa akin kaya napahawak na lang ako sa gilid ng lamesa. Naramdaman ko sa bandang puson ko ang kahabaan niya at hindi ko lubos maisip kung nakatayo na ba ‘yon o sadyang malaki na talaga kahit na hindi pa ito tumitigas.
Napailing na lang ako dahil sa mga iniisip ko at nag-angat ko nang tingin sa kaniya na ngayo’y matamang nakatitig sa akin.
“May lakad ka ba?” kalmado kong tanong sa kan’ya.
“You’re going with me”
“Ano? Saan naman tayo pupunta?”
“You’ll know it later. Go to your room and change your clothes. The gown you’re going to wear is on your bed.” Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon.
“Teka bakit naka-gown? Anong meron?”
“Don’t ask me, just do what I say and you’ll know it later.” Hindi na ako nakapagsalita pa at kaagad na lang akong pumasok sa aking kuwarto.
Namangha ako nang makita sa ibabaw ng kama ko ang isang kulay gold na gown. Kinuha ko ito at tiningnan at tila kumikinang ito kapag natatapat sa ilaw. Mukhang mamahalin ito base na rin sa texture at style nitong gown. Simple lang pero napaka eleganteng tingnan pero hindi ko alam kung babagay ba sa akin ang ganitong klaseng damit.
Idinikit ko ito sa aking katawan at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako dahil ito ang unang beses kong makakasuot ng ganitong klaseng damit at mamahalin pa. Sinimulan ko nang ayusan ang sarili ko at naglagay lang din ako ng manipis na make-up at konting lipstick. Nanatiling nakalugay lang ang aking mahabang buhok at isinuot ko na ang damit na bigay ni Gascon.
Napaawang na lang ako nang makita ang sarili ko sa salamin. Manghang-mangha ako sa aking sarili dahil parang hindi ako ang nakikita ko ngayon. Maganda ang fitting sa’kin ng gown at medyo mahaba ang slit nito sa kaliwang hita ko at backless naman ang likod nito. Mukha akong isang Cinderella ngayong gabing ito.
Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng aking kuwarto. Nakita ko si Gascon na nakaupo sa mahabang sofa at naka-krus ang kaniyang mga binti. Ang sarap niyang titigan sa ganoong ayos at mukhang walang bahid ng kasamaan.
Napadako ang tingin niya sa’kin kaya nag-iwas na lang ako sa kan’ya nang tingin. Naramdaman ko ang kaniyang paglapit at huminto sa aking harapan.
“You’re beautiful.” Nag-angat ako nang tingin sa kaniya at seryoso naman siyang nakatitig sa akin.
“H-ha? Ahm, thank you,” nahihiya kong turan.
“Let’s go.” Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami ng kaniyang unit.
Kami pa lang dalawa ang tao sa loob ng elevator at pagkabukas nito ay dumami naman ang sakay nito kaya halos magkadikit na ang aming katawan at naka-puwesto naman kami sa bandang likuran. Pakiramdam ko naman ay para akong lalagnatin na hindi ko maintindihan.
Bigla kong naramdaman na parang may gumagapang sa aking hita pataas kaya pigil ang hininga ko na hindi mapaungol. Mukhang napansin naman niya ito kaya inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong.
“Just relax babe, I won’t do anything yet, just only a touch.” Lumayo na siya sa’kin at napasinghap pa ako nang ipasok niya nang bahagya ang kamay niya at haplosin ang aking kaselanan.
Kinakabahan ako sa mga oras na ito dahil baka biglang lumingon ang isa sa mga tao sa harapan namin at makita kung ano ang aming ginagawa. Mahigpit akong napakapit sa hawak kong pouch bag at hindi ko na lamang siya pinansin.
Nang tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami ay saka lamang siya tumigil at para naman akong nahimasmasan pagkatapos noon. Tahimik lang kami ng nasa sasakyan na kami at sa labas lang ng bintana ako nakatingin.
Nagulat na lang ako ng muli niyang hawakan ang hita ko kaya mabilis akong napatingin sa kaniya. Nasa daan pa rin ang kaniyang atensyon at nakapatong naman sa hita ko ang kamay niya. Itinaas niya pa ito sa bandang singit ko kaya mas lalo akong napasinghap at muntikan nang mapaungol.
“You’re wearing your panty?”
“Syempre magpapanty ako, alangang aalis ako ng walang suot,” inis kong saad sa kaniya.
“If you’re with me don’t wear anything.” Gulat akong napatitig sa kaniya at sandali niya akong sinulyapan at tinuon muli ang atensyon sa daan.
“May sapak ka ba?! Kung hindi ako magsusuot ng panty masisilipan ako.” Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya bakit inuutusan niya ako sa ganoong bagay.
“If only the two of us don’t wear your panty. And of course I won’t let anyone peak what’s mine. Sayang lang ‘yang panty mo dahil sisirain ko lang din ‘yan.” Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon.
Magsasalita pa sana ako nang ihinto na niya ang kotse at napatingin ako sa aming harapan. Napaawang ang mga labi ko dahil sa dami ng tao sa paligid. Halatang mayayaman ang mga ito at lalo akong nanliit sa aking sarili dahil hindi ako nababagay sa ganitong klaseng lugar.
“Anong ginagawa natin dito?” Baling ko sa kaniya habang tinatanggal niya ang kaniyang seatbelt.
“Anniversary ng company namin and I want you to be my partner.” Natigilan ako at tila natulala ako sa kaniyang sinabi.
Hinawakan niya ang baba ko at isinara ang nakaawang kong mga labi. “Close your mouth baka bigla kong ipasok ‘to sa’yo”
“A-ano?” Ngumisi siya sa’kin at inilapit niya ang mukha niya sa’kin.
“After this event take off your panty or else I’m gonna f**k you inside my car.” Gulat akong napatitig sa kaniya at pagkatapos noon ay nauna na siyang bumaba at pinagbuksan naman niya ako ng pintuan.
I don’t know what happened next. Pero natitiyak kong hindi niya palalagpasin ang gabing ito.