Papasok na sana ako ng aming silid nang makita ko ang isang bulto ng babae. Nanliit ang aking mga mata at sinusuri kung sino ang estudyanteng iyon. Unti-unti akong lumapit sa kanila at maya-maya pa'y umalis na rin ang kausap niyang lalaki. Napahinto ako at mukhang hindi niya ako napansin kaya kaagad na rin siyang umalis. Nagulat pa ako nang makilala ko siya at takang nakamasid lang ako sa kaniya habang siya'y papalayo.
"Jhauztine?" wika ko sa aking sarili.
Nasa loob na ako ng aming silid ay hindi pa rin ako mapakali at iniisip kung sino ang lalaking kausap niya. Mukhang disenteng lalaki ito at medyo may edad na. Napabuntong hininga na lang ako at napadako ang tingin ko sa may pintuan at nakita kong papasok na si Jhauztine. Nakangiti siya sa akin habang papalapit siya sa kinaroroonan ko at naupo sa aking tabi.
"Kanina ka pa ba?" tanong niya habang inaayos ang kaniyang gamit.
"Hindi naman. Siya nga pala Jhauztine, sino 'yong kausap mo kanina?" Pansin ko na natigilan siya at hinarap naman ako.
"H-ha?"
"Nakita kasi kita kanina may kausap kang medyo may edad ng lalaki sino 'yon?"
"Ah! N-nagtanong lang siya kanina. O-oo may hinahanap kasi siya kaso hindi ko n-naman kilala,"nauutal niyang sagot sa'kin.
"Jhauztine may tinatago ka ba sa'kin?"
"Ano ka ba Trinidad wala 'no. Ikaw nga riyan ang may tinatago sa'kin eh." Napayuko na lang ako dahil sa hiya.
Totoo naman ang sinabi niya, at lalong hindi ko masabi sa kan'ya ang tungkol kay Gascon. Hindi ko naman alam kung sasabihin ko sa kan'ya na nakatira na ako sa isang lalaking hindi ko naman kilala na siya ring bumaril kay Kenjie.
At nang matapos na ang klase namin ay nagpalinga-linga pa ako kung may bantay ba ako sa paligid. Napansin ko namang walang nakamasid sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad at hinarap si Jhauztine.
"Jhauztine gusto mo bang sumama?"
"Saan?" kunot-noong tanong niya.
"Dadalawin si Kenjie"
"Naku Trinidad ha! Baka makita na naman natin 'yong demonyita na 'yon mapapaaway na talaga ako," humalukipkip siya at umikot pa ang mata sa ere.
"Sisilipin lang natin siya, gusto ko lang malaman kung ayos lang ba siya," napabuntong hininga na lang siya.
Sasagot na sana siya nang tumunog naman ang kaniyang telepono. Kinuha niya ito sa kaniyang bag at nanlaki pa ang mga mata sa gulat. Binalingan niya ako at taka ko siyang tinitigan.
"Pasensya ka na Trinity hindi kita masasamahan may emergency kasi eh. Promise sa susunod sasamahan na kita"
"Ah gano'n ba? Sige na sagutin mo na 'yan baka kasi importante eh, ako na lang muna ang pupunta sa ospital"
"Sige Trinity aalis na rin ako kita na lang tayo bukas." Nagpaalam na rin siya at ako nama'y sa ibang direksyon naglakad.
Pumara ako ng tricycle para pumunta sa ospital kung nasaan si Kenjie malapit lang naman sa school namin 'yon kaya mabilis din naman akong nakarating.
Pagkarating ko sa mismong ospital ay dali-dali akong pumasok dahil baka mamaya ay may makakita sa aking tauhan ni Gascon at hindi rin ako puwedeng magtagal. Nasa tapat na ako ng kuwarto ni Kenjie ay huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok.
Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan at nakita kong walang tao roon kaya malaya akong nakapasok at nilapitan ang wala pang malay na si Kenjie. Gusto kong maiyak dahil naaawa ako sa sinapit niyang iyon. Wala siyang kasalanan at ako ang dahilan kung bakit nakaratay siya at hindi malaman kung kailan siya magigising.
Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan at bumungad ang ina ni Kenjie. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa aking braso. Hinila naman niya ako palabas ng kuwarto at pabalagbag na binitawan at napahawak ako sa braso ko na ngayo'y mahapdi na dahil bumaon nag kaniyang mga kuko.
"Lumayas kang babae ka! Hindi ka kailangan ng anak ko." Pagkasabi niyang iyon ay sinara niya kaagad ang pinto at ramdam ko ang tingin sa akin ng mga tao sa paligid.
Nakayuko naman akong naglakad palabas ng ospital at nagulat na lang ako ng may humila sa aking braso at isinandal ako sa pinto ng kotse. Napalunok ako ng ilang beses nang makilala kung sino ito at kita ko ang galit sa kaniyang mukha.
“What did I tell you Trinity?” may diing wika niya at salubong ang mga kilay.
“D-dadalawin ko l-lang naman s-si__” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang hampasin niya ang pintuan ng kaniyang kotse na siyang ikinagulat ko.
“Did I just warn you?!”
“Kaibigan ko siya at ikaw ang dahilan kung bakit siya nasa ospital ngayon at wala pa ring malay!” maluha-luha kong sigaw sa kaniya.
Kahit na natatakot ako sa posibleng gawin niya sa akin at nagawa ko pa rin siyang suwayin dahil hindi rin ako matatahimik kapag may nangyaring masama kay Kenjie. Napansin ko naman na medyo nagbago na ang ekspresyon ng mukha niya at lumayo na rin siya sa akin.
“Get in,” utos niya sa akin.
Hindi na ako nagsalita pa at sumakay na rin ako sa kaniyang sasakyan. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa kaniyang condo ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hindi kami nag-uusap hanggang sa makarating kami mismo sa kaniyang unit. Pumunta naman ako sa banyo para sana umihi nang makita ko na maraming dugo sa aking panty at nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Nagkaroon din nang tagos ang palda ko at napasigaw na lang ako dahil hindi ko inaasahan na magkakaroon kaagad ako at malamang ay kanina pa may bahid ng dugo ang palda ko. Sunod-sunod na pagkatok naman ang iginawad ni Gascon sa labas ng banyo at napatapik pa ako sa aking noo dahil nakakahiya naman kung uutusan ko siyang bumili ng napkin.
Nang hindi ako sumagot ay binuksan na niya ang pinto at naabutan niya ako sa ganoong ayos at nagulat pa siya kaya isinara niya itong kaagad.
Bumuntong hininga muna ako bago ko buksan ang pintuan. Pagkabukas ko naman ng pinto ay napansin ko na may hawak siyang baril sa kanang kamay niya at napakapit na lang ako ng mahigpit sa seradura at muli ko siyang binalingan.
Mabuti na lang talaga ay pumayag naman siyang bumili ng napkin dahil hindi rin naman ako makakalabas na ganito ang itsura ko. Nang medyo nainip ako dahil nasa loob lang ako ng banyo ay naisipan ko munang lumabas. Nagtapis na lang muna ako ng tuwalya sa aking baywang at lumabas muna ng kuwarto. Pagkalabas ko ay nilibot ko ng aking paningin ang kabuuan ng condo at masasabi kong simple lang ito pero elegante.
Halatang matapang ang may-ari nito dahil sa pinaghalong kulay itim at gray. Puro mamahalin din ang mga gamit na naririto at may iba’t-ibang uri din siya ng alak na nasa bar counter niya. Kapansin-pansin naman sa may dulo ang isang saradong kuwarto roon kaya pinuntahan ko ‘yon dahil sa aking kuryosidad.
Hinawakan ko ang seradura nito ngunit naka lock naman ito. Nakita ko pa ang maliit na nakaukit sa gitna ng pinto ang isang pangalan at nanliit pa ang aking mga mata para mabasa ito.
“Camilla?” mahinang basa ko na nakakunot ang aking noo.
“What are you doing there?” Napapitlag ako nang marinig ko ang malakulog niyang boses kahit na hindi naman ito galit.
“S-sorry a-ano kasi eh__”
“Who told you to go there?” wika niya nang makalapit na siya sa akin.
“Nacurious kasi ako eh, a-akala ko kasi kuwarto mo”
“You don’t need to know Trinity. And one more thing, I just bought you so you don’t have to know what’s in that room understood?” tumango na lang ako sa kan’ya. “Here,” sabay abot niya sa’kin ng dalawang paper bag.
“S-salamat.” Tumalikod na siya at naiwan naman akong nagtataka.
Muli kong sinulyapan ang kuwarto at umalis na rin doon. habang papunta naman ako sa kuwarto ay natigilan ako nang makita ko na panay sanitary napkin ang laman noon. Napaawang na lang ang aking mga labi at malakas na bumuga sa hangin.
Kinagabihan ay hindi naman ako makatulog at pabali-baligtad ako sa aking higaan. Napabangon akong bigla at ginulo naman ang aking buhok dahil sa inis. Nagpasya akong tumayo na muna sa kama at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto ako sa aking paghakbang nang makita ko si Gascon sa bar counter at umiinom mag-isa.
Tiningnan ko naman ang wall clock at alas onse na rin ng gabi at heto naman siya nagpapakalango sa alak. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagtungo sa kusina. Sinulyapan ko pa siya at mukhang hindi naman niya ako napansing dumaan. Nakayuko na siya at halatang lasing na rin ito base sa kaniyang itsura.
Hindi ko na lamang siya pinansin at kumuha na lang ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. Pagpihit ko naman ay nakita ko si Gascon na nakatingin sa akin at muntikan ko nang mabitawan ang baso dahil sa pagkagulat. Hindi ko naramdaman ang presensiya niya at unti-unti naman siyang lumalapit sa akin. Napasandal pa ako sa ref at ilang lunok pa ang ginawa ko para maibsan ang aking kaba.
Lasing siya at baka kung ano naman ang gawin niya sa’kin dahil sa ginawa kong pagpunta sa isang kuwarto kanina. Mahigpit kong nahawakan ang baso at hindi ko naman inaalis ang pagkakatitig sa kaniya.
“Ga-gascon a-anong g-ginagawa mo?” kinakabahan kong saad nang makalapit na siya sa akin.
“You”
“H-ha?” Ipinatong niya pa ang isang kamay niya sa ibabaw ng ref at bahagya siyang bumaba upang magpantay kami.
“She save you, but I lost her,” mahinang sabi niya.
Kita ko ang pamumungay ng mga mata niya kahit na medyo may kadiliman dito sa kusina. Hindi ko alam kung sino at anong ibig niyang sabihin. Taka ko siyang tinitigan at narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya at naaamoy ko pa ang alak sa kaniya.
“Teka, ano bang__”
“What a coincidence,” putol niya sa aking sasabihin at mataman akong tinitigan. “And now you’re a daughter of, never mind.” Unti-unti naman siyang lumayo at ipinatong ko na lang ang baso sa lamesa.
Lalagpasan ko na sana siya nang haklitin niya ang braso ko at hinapit ang aking baywang. Napasinghap ako at isinubsob niya ang mukha niya sa aking leeg. Ramdam ko naman ang init ng hininga niya na siyang nagpatayo sa aking mga balahibo. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko nang patakan niya nang halik ang aking leeg at mahigpit akong napakapit sa kaniyang t-shirt.
Dahan-dahan naman siyang lumayo sa akin at nagtama pa ang aming paningin. Hinaplos niya pa ng kaniyang hinlalaki ang aking labi at muli akong binalingan. Muntikan pa akong mapasigaw nang buhatin niya ako at iupo sa lamesa. Itinukod niya pa ang dalawang palad niya sa magkabilang gilid ko, tinitigan niya ako at pinasadahan pa niya ng kaniyang dila ang ibabang labi niya kaya doon nabaling ang aking atensyon.
Hinawakan niya pa ang aking batok at inilapit sa kaniyang mukha na mas lalong nagpakaba sa akin. Napapikit na lang ako at lalong lumalim pa ang aking paghinga. Gusto kong maiyak dahil para na niya akong alipin at puwede niyang gawin kung ano man ang naisin niyang gawin sa akin.
Napamulat ako ng aking mata at pansin ko na nakatingin siya sa aking dibdib na sinag ang aking bra. Muli niya akong tinitigan at ngumisi pa sa akin at inilapit niya ang bibig niya sa aking tainga.
“That is only a sample Trinity. I’m f*****g wild even if you beg I won’t listen to you, thank me that till now I can hold it back.” Iniwan na niya ako at ako nama’y nakatulala lang sa kawalan at tila hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.
Napaiyak na lang ako dahil nawala nga ako sa bar na pinagtatrabahuhan ko nakatira naman ako sa lalaking halang ang kaluluwa at sapilitan kong isusuko ang sarili ko oras na mgakamali lang ako nang galaw.
Nagising naman ako medyo namamaga ang aking mga mata dahil hindi na rin ako masyadong nakatulog kagabi dahil na rin sa naganap na pag-uusap sa aming iyon ni Gascon. Nagtungo na ako sa banyo upang maligo para pumasok naman sa school. Nang matapos na ako mag-ayos ay lumabas na rin ako ng kuwarto at pansin ko na parang ang tahimik ng bahay at kanina ko pa hindi nakikita si Gascon. Naisip ko na lang na baka tulog pa ito at napuyat kagabi.
Pumunta naman ako sa kusina para kumain na ng almusal nang mapansin ko naman sa lamesa ang ilang mga nakatakip doon. Binuksan ko ito at tumambadd ang ilang mga pagkain at may nakalagay pang note roon, kinuha ko ito at binasa naman ang nakasulat.
“Eat before you go to school.” Huli ko naman napansin ang isang maliit na paper bag na nakapatong sa upuan.
Kinuha ko ito at binuksan at nakita ko ang isang box ng cellphone at may isa pang mamahaling shoulder bag. Ipinatong ko sa lamesa ang cellpone at tinitigan muna ito bago nagpasyang buksan.
“Bakit ba kasi kailangan niya pa akong bilhan nito meron pa naman akong nagagamit?” wika ko sa aking sarili habang kinakalikot ang cellphone.
Muntikan ko pa itong mabitawan nang tumunog ito at nakita ko ang pangalan niya sa screen. Napataas pa ang kilay ko dahil nauna pa niyang ilagay ang number niya at mas lalo akong nagtaka sa pangalang naka register doon.
"You're boss? Tsss! Sira-ulo talaga!" inis kong wika sa aking sarili. “Hello?” sagot ko.
“Why you’re taking so long?” pansin ko ang inis sa kaniyang pananalita.
“Ngayon ko lang napansin”
“Okay. From now on that is your new phone and new number. If something happen call me right away.” Napaikot na lang ang mata ko sa ere at u-moo na lang sa kaniya.
Mukhang hindi na rin naman niya naalala ang nangyari kagabi at mabuti na rin ‘yon para hindi ako naiilang sa kan’ya. Kung puwede nga lang ay umuwi ako rito ng wala pa siya para hindi kami nagtatagpo dahil ayokong nadidikit sa kaniya baka kung ano lang ang magawa niya sa’kin na pagsisisihan ko.
Pagkatapos kong mag-almusal ay umalis na rin ako sa bahay niya at nagtaka naman ako dahil tila walang tauhan niya ang nakapaligid sa akin. Ipinagkibit balikat ko na lang ito at nagpatuloy na lang ako sa aking paglalakad.
Dahil sa pagkawala ko sa aking sarili ay hindi ko namalayang may humikit sa aking braso habang patawid naman ako sa kalsada kaya napasubsob ako sa isang lalaki at mahigpit niya akong niyakap. Habol ko naman ang aking paghinga dahil sa bilis nang pangyayari at hindi ko alam kung bakit niya ito ginawa.
Tumingala ako at nakita ko ang isang guwapong lalaki na sa ibang direksyon nakatingin. Matangos ang kaniyang ilong, mapupula ang mga labi at higit sa lahat ay maganda ang kaniyang mga mata na kulay abo. Tumingin siya sa akin at doon lamang ako natauhan at mabilis na lumayo sa kaniya.
“Miss are you okay?” tanong niya sa’kin.
“O-okay lang. What really happen?”
“Muntik ka nang mahagip ng motor kanina. Pansin ko kasi sa’yo na parang ang lalim ng iniisp mo eh”
“Ah ganoon ba? Pasensya na,” nahihiyang turan ko.
“By the way I’m Maurice and you are?” Inilahad niya pa ang kamay niya sa’kin at nakangiti naman niya akong hinarap.
“S-sige mauuna na ‘ko sa’yo ha!”
“Sandali lang miss hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo!” sigaw niya sa akin nang makatawid na ako.
Hindi ko na siya nilingon pa at nagmamadali naman akong tumawid. Ayokong makarating pa ‘yon kay Gascon dahil konti na lang ay mapaparusahan na niya talaga ako. Malapit na ako sa aming classroom nang mabungaran ko si Jhauztine na medyo masama ang timpla ng mukha. Padabog niyang inilagay ang cellphone niya sa kaniyang bag at nagulat pa siya nang makita ako.
Ngumiti ako sa kaniya at mabilis na lumapit. “Bakit ang aga-aga nakabusangot ka?”
“H-ha? S-si tita kasi eh! Pinapauwi ako ng maaga mamaya wala raw kasama ‘yong kapatid ko sa bahay,” inis niyang saad at humalukipkip pa.
“Gusto mo bang pumunta tayo sa inyo mamaya?” Gulat niya akong hinarap at pilit na ngumiti sa akin.
“Ano ka ba Trinity ayos lang saka ayaw kasi ni tita na nagpapapunta ako ng kaklase sa bahay alam mo naman ‘yon saksakan ng sungit”
“Ganoon ba? Ang tagal na nating magkaibigan pero hindi ko pa alam kung saan ka nakatira ganoon ba kalayo ‘yong bahay niyo?”
“Hayaan mo kapag dumating si mama dadalhin kita sa bahay at ipapakilala kita sa kaniya. Ayos ba ‘yon?” Nakangiting saad niya.
“Okay sinabi mo ‘yan ha?”
“Oo na, I promise!” Umangkla siya sa’kin at sabay na kaming pumasok sa loob.
Alam kong may tinatago siya sa’kin na hindi ko pa dapat malaman pero hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi sa’kin dahil nirerespeto ko siya kung ano man ‘yong lihim niya. Matagal na kaming magkaibigan at ngayon lang siya nagtago sa akin ng ganito.