CHAPTER 4

2333 Words
Tulala ako habang naglalakad naman ako patungo sa aking inuupahan. Napabalik lang ako sa aking ulirat nang tawagin ako ni Jhauztine at nakita kong nasa tapat sila ng aking inuupahan. Tumakbo naman siya papalapit sa akin at kasama pa rin niya si Kenjie. “Hoy Trinidad! Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin tinatawagan pero out of coverage ka naman,” wika sa akin ni Jhauztine. “S-sorry may mahalaga kasi akong pinuntahan eh” “Dahil ba do’n sa lalaki kanina?” Natigilan ako nang balingan ko naman si Kenjie. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Gascon kanina. Baka nga totohanin niya na may gawin siya kay Kenjie kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipag kaibigan sa kan’ya. “Ano bang kailangan niya sa’yo at sino ‘yon?” takang tanong ni Jhauztine. “Ah, s-siya ba? Taga-rito lang malapit dito nagpaalam lang sa’kin na lilipat na siya” “At bakit pa magpapaalam sa’yo? May relasyon kayo ‘no?!” “W-wala ‘no! gulat kong sagot sa kaniya. “May gusto sa’yo?” “P-parang gano’n na nga,” pagsisinungaling ko na lang. “D’yos ko mukha namang sanggano ‘yon! Kung si papa Kenjie pa sana guwapo na mabait pa!” Siniko ko naman siya at tiningnan si Kenjie na ngayo’y titig na titig sa akin. “Pasensiya na kayo ha? Sorry kung pinaghintay ko kayo” “Wala ‘yon nag-alala lang kasi kami sa’yo dahil ang tagal mong bumalik at isa pa hindi mo kasi sinasagot ‘yong mga tawag namin sa’yo kaya akala namin may nangyari na sa’yo” “Sige pasok na muna ako ah, napagod din kasi ako eh.” Saktong pagtalikod ko ay hinawakan naman ni Kenjie ang isang braso ko kaya kaagad akong napatingin sa kaniya. “I’ll call you later.” Pagkasabi niyang iyon ay umalis na rin sila ni Jhauztine at naiwan naman akong nakatulala sa kanila habang papalayo sa aking kinaroroonan. Pagsapit ng gabi ay nag-ayos na ako ng aking sarili para pumasok naman sa bar. Saktong paglabas ko ng apartment ay wala na ring tao sa kalsada kaya hindi nila ako mapapansin kung saan ako patungo. Sumakay ako ng tricycle papunta sa bar at nagpababa na lang ako malapit doon dahil ayokong may makakilala sa akin. Kaagad naman akong pumasok doon at tinungo ang dressing room. Katulad ng dati ay ganoon pa rin sila sa akin na parang hindi nila ako kilala at panay pa rin ang irap nila. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng dressing room at sinimulan ko nang magserve sa mga customer. Medyo kakaunti lang ang tao ngayon at hindi naman ako nahirapan at wala na ring masyadong nangugulo. Naupo muna ako sa bar counter at tinangal ang suot kong sapatos na may takong. Hinilot ko ang aking paa dahil hindi naman ako sanay magsuot ng ganoong klaseng sapatos. Maya-maya pa ay lumapit sa akin si Ate Josie na may dalang maskara at binigay ito sa akin. “Anong gagawin ko rito?” “Isuot mo ‘yan dahil pinapasuot sa’yo ni Sir Gascon.” Napakunot ang noo ko at tinignan lang ang maskara na inabot niya sa akin. “Bakit kailangan ko pang magsuot ng maskara hindi naman ako sasayaw?” “Iyan kasi ang utos niya sa’kin” “At bakit ko siya susundin?! Mabilis kong sinuot ang sapatos ko at tumayo sa aking kinauupuan. Nakaka ilang hakbang pa lamang ako nang humarang naman ang dalawang lalaki na ikinagulat ko. Iyong isang kasama niya ay siya rin ‘yong nagdala sa akin sa condo ni Gascon kanina. “Anong kailangan niyo?” masungit na wika ko. “Sundin niyo na lang po si boss” “At bakit kailangan ko siyang sundin? May sarili akong pag-iisip sabihin niyo sa kan’ya ‘yan!” Saka tumalikod na rin ako sa kanila. Dahil sa marami na ang dumadating na customer ay naging abala na ako at hindi ko na rin nakita pa ang dalawang tauhan ni Gascon. Lumapit sa akin si Ate Josie at may ibinulong na ikinataka ko naman. “Trinity may gustong kumausap sa’yo” “Sino naman ‘yan?” “Ewan ko, mukhang type ka yata eh kanina pa kasi ako kinukulit.” Sandali akong natigilan at pagkuwa’y muling binalingan si Ate Josie. “Hindi ba siya katulad noong nambastos sa’kin?” “Ay Hindi! Mukhang mabait at saka medyo may edad na. Gusto ka lang daw niya makausap kahit na sandali lang.” Huminga muna ako nang malalim at saka pinuntahan kung saan siya nakapuwesto. Nakita ko siya sa pinaka dulo at mag-isa lamang na umiinom ng alak. Bumuntong hininga muna ako bago ko siya lapitan. Nang makalapit na ako sa kaniya ay tumayo naman siya at inalok akong maupo. “Kumusta ka na hija?” “P-po?” gulat kong wika sa kaniya. “Oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala sa’yo. Ako pala si Renato, puwede mo rin akong tawaging Tito Renato,” nakangiting wika niya. “Paano niyo po pala ako nakilala?” “Trinity, kaibigan ko ang iyong ama na si Roberto.” Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya ang aking ama. Siguro ay alam niya kung nasaan ang aking ama kaya naririto siya ngayon sa bar. Pero ang ipinagtataka ko ay paano naman niya ako natagpuan? “Paano niyo po nalaman na nandito ako?” “Hinanap kita sa bahay ng tiyuhin mo. Noong una ayaw niyang sabihin sa akin kung nasaan ka pero tinakot ko siya at sinabing ipapakulong ko siya dahil menor de edad ka pa lang” “Hindi na po kasi nagpapadala si papa ng pera sa’kin kaya napilitan silang ipagbili ako. Kailangan ko naman magtrabaho para may panggastos ako araw-araw,” malungkot kong saad sa kaniya. “Ito hija tanggapin mo itong pera.” Tinignan ko ang hawak niyang pera at muli ko siyang binalingan. “Naku hindi na po Tito Renato, ayos lang po ako” “Sige na tanggapin mo na ito galing ito sa iyong ama” “Kay papa? P-pero nasaan po siya ngayon?” Pansin ko naman na natigilan siya at inilagay sa aking palad ang pera. “Huwag kang mag-alala sa papa mo nasa mabuti siyang kalagayan. Pinapakumusta ka lang niya sa’kin dahil nag-aalala siya sa’yo. Hindi na rin ako magtatagal at aalis na rin ako gusto lang kitang makita at iabot sa’yo ang perang ‘yan.” Pagkasabi niyang iyon ay kaagad naman siyang umalis ng bar. Tiningnan ko ang hawak kong pera at bigla na lang akong napaiyak. Sa totoo lang miss na miss ko na si papa. Wala na akong ina dahil maaga siyang kinuha sa amin pagkapanganak pa lang sa’kin. At tanging si papa na lang ang natitira kong magulang pero iniwan pa rin niya ako dahil sa kaniyang mga negosyo. Hindi ko alam kung bakit ako pinapahirapan ng ganito. Ayos lang naman sa’kin kahit na wala kaming pera basta kumpleto ang pamilya ko at makapagtapos ako ng aking pag-aaral. Sapo ko ang aking dibdib at hindi ko na napigilan pang mapahagulgol. Nangungulila na nga ako sa aking ina pati ba naman sa aking ama ay gano’n din. Hindi ko alam kung nasaan ang aking ama ngayon at bakit niya hinayaang mangyari sa’kin ito. Alas-dos na ng madaling araw nang matapos ang trabaho ko. Palabas na ako ng bar nang makita ko ulit ang dalawang lalaki na humarang sa’kin kanina. Nakasandal sila sa nguso ng kanilang sasakyan at tila may hinihintay. Saktong pagtapat ko sa kanila ay may huminto namang Black Rover at nagtaka ako nang lumapit sa akin ang dalawang tauhan ni Gascon. “Sakay na po kayo,” sabi ng isang lalaki. “At bakit ako sasakay d’yan?” wika ko na nakataas ang isang kilay. “Utos po kasi ni boss” “Sabihin niyo sa boss niyo matulog naman! Anong oras na madaling araw na! Ano siya bodyguard ko? Kailangan bantayan ako oras-oras?!” “P-pero__” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang bumukas ang sasakyan at bumaba si Gascon doon. Sinamaan ko siya nang tingin at siya nama’y walang ekspresyon ang mukha. Sinenyasan niya ang isa niyang tauhan at nagulat na lang ako nang buhatin ako nito na parang isang sako ng bigas. “Hoy! Ibaba mo nga ako ano ba kasing kailangan niyo?!” Nagpupumiglas kong sigaw sa kanila. Ipinasok niya ako sa loob ng sasakyan ni Gascon at mabilis namang pumasok sa loob si Gascon at tiningnan ako nang masama. Doon lamang ako natahimik dahil maling galaw ko lang ay baka kung ano ang gawin na lang niya sa akin. Tahimik lang kami habang tinatahak namin ang daan at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Ilang oras pa ang lumipas ay nakarating na rin kami at nauna siyang bumaba. Binuksan niya pang maigi ang pintuan ng kaniyang sasakyan hudyat na pinapababa na niya ako. Sumunod naman ako sa kaniya at nakasimangot akong nakatingin sa kaniya ngunit inirapan lang niya ako na mas lalo kong ikinainis. Nasa loob na kami ng building ng kaniyang condo at pinindot naman niya ang fifteenth floor kung saan naman ako dinala ng isa niyang tauhan. Nang nasa loob na kami ng elevator at hindi naman kami nag-uusap at tanging t***k lang ng puso ko ang naririnig dahil sa sobrang kaba. Dalawa lang kami sa condo niya at hindi ko alam kung ano ang posibleng mangyari ngayon. Tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Nauuna siyang maglakad at nasa likuran lang niya ako. Nasa tapat na kami ng kaniyang condo ay kaagad naman niya itong binuksan at pinauna niya akong pumasok. Dahan-dahan akong naglakad at ilang lunok pa ang ginawa ko para maibsan ang kaba na nararamdaman ko. Pumikit ako at huminga nang malalim at maya-maya’y naramdaman ko na siya sa aking likuran kaya doble ang kaba na naramdaman ko ngayon. “You look nervous Trinity.” Biglang nagsitauyan ang mga balahibo ko sa aking batok dahil ramdam ko ang hininga niya roon at kinagat ko pa ang ibabang labi ko. Umupo siya sa pang-isahang upuan sa may aking harapan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pinag krus niya pa ang kaniyang mga braso at matalim akong tinitigan. “What do you want?” kinakabahang saad ko sa kaniya. “Strip.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong iyon sa kan’ya. “W-what?” “I said strip.” Napakuyom ako ng dalawang palad at siya’y walang emosyong nakatitig lang sa akin. Napapikit ako nang mariin at tila maiiyak na ako dahil sa sinabi niyang iyon. Ano nga ba ang ine-expect ko? Isa ako sa nagtatrabaho sa bar malamang ganoon ang tingin niya sa akin na isang maruming babae at isa pa binayaran niya ako para siguro paligayahin siya kaya gusto niya akong tumira rito kasama siya. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi at muli siyang binalingan. Hindi naman nagbago ang ekspresyon niyang iyon at tila hinihintay niya akong kumilos. “Okay if that’s what you want. At pagkatapos nito ay uuwi na ‘ko.” Sinimulan ko nang tanggalin isa-isa ang mga butones ng aking blouse habang nakatitig naman siya sa akin. At nang malapit ko na itong matanggal at bigla siyang tumayo at mabilis na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at mataman akong tinitigan. Pansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga at nakakunot ang kaniyang noo. “Stop,” taka ko siyang tinitigan. “Pinaglalaruan mo ba ‘ko?” “Someday Trinity. Kapag hindi mo pa rin ako sinunod hindi lang ‘yan ang magyayari sa’yo wala akong pakialam kung menor de edad ka pa lang,” may diing wika niya sa’kin. Tinanggal niya ang kamay ko at siya na ang nagbutones ng aking blouse. At pagkatapos niyang gawin ‘yon ay inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumaba ang tingin niya sa aking mga labi at pagkuwa’y binalingan akong muli. “P-please,” nauutal kong wika. “Please what?” “I want to go home.” Unti-unti naman siyang lumayo sa akin at doon lamang ako nakahinga nang maluwag. “Remember what I told you Trinity? I don’t want to see another man approach you because I don’t share my property.” Tinalikuran na niya ako at sinundan ko naman siya nang tingin. Pumasok siya sa kaniyang kuwarto at may kinuha roon. Pagkalabas niya ay may bitbit na itong limang paper bags at inabot sa akin. “Ano ‘yan?” “For you. Bags, shoes, dress and also your uniform.” Napamaang naman ako at kunot-noo ko siyang tinitigan. “Hindi ko kailangan ‘yan” “So, hindi mo ‘ko susundin?” Inirapan ko siya at padabog ko naman itong kinuha sa kan’ya. “I want to go home” “Okay I’ll take you home.” Nauna na siyang maglakad at sumunod na rin ako. Tulad nang sinabi niya ay inihatid niya nga ako sa aking tinutuluyan. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid kung may tao pa ba dahil ayokong may makakita sa aking kakilala ko bago ako bumaba ng kaniyang sasakyan. Bago pa ako makababa ay hinawakan niya pa ako sa aking braso at matalim akong tinitigan. Nagulat pa ako ng bigla niya akong isandal sa aking upuan at nilapit niya pa ang kaniyang sarili sa akin. “Don’t forget what I told you Trinity, because I have nothing to sanctify.” Pagkasabi niyang iyon ay saka lamang siya lumayo sa akin at mabilis naman akong bumaba ng kaniyang sasakyan. Pagkapasok ko naman sa aking kuwarto ay ibinaba ko sa lapag ang mga binigay ni Gascon at pabagsak akong nahiga sa aking kama. Pumikit ako at huminga nang malalim. Wala na talaga akong kawala kay Gascon dahil nabili na niya ako at wala akong ibang gagawin kun’di ang sundin siya. Natatakot ako sa posibleng gawin niya sa’kin at baka tuluyang makuha niya ang matagal kong iniingatan at tanging iyon lang ang maipagmamalaki ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD