Chapter 3: The Plan
CHARM'S P.O.V
"I'm home." sabi ko pagkatapak ko palang sa loob ng bahay ng makita kong bigla akong hinila ng mga katulong at ng sa palagay ko ay isang makeup-artist at stylist.
"Anak we need to hurry, nauna na ang Daddy Fierce mo sa party na gaganapin sa Five Star Hotel." sabi ni Mommy habang inaayusan ako ng mga nakapaligid sakin.
"Party nino?" sabi ko nakita ko namang napailing-iling si mommy.
"Kanino pa edi sayo. Sa pagkakaalam ko e sinabi nya na sayo ang tungkol dito." sabi nya kaya naman bigla kong naalala ang sinabi sakin ni Fierce na magpapaparty sya para makilala ko ng buong mundo na nag-iisang anak daw ako 'kuno' nina mommy at ni Fierce.
Ewan ko ba may parte talaga sakin na ayokong mapabilang sa pamilya ni Fierce, I still hate him dahil sya ang dahilan kung bakit mas lumalayo na ang loob ko sa mom ko.
That's why I've made my decision. I will seduce him starting tonight.
—
Nakarating kami sa party ng ligtas at bukod pa dun ay pinagpipiyestahan na kami ng media dahil bukod sa naglalakad kami sa may entrance ng hotel ay nakared carpet pa ang dinadaanan namin habang ako maraming nakaalalay sakin dahil sa sobrang bigat ng kulay red na long gown na pinasuot sakin.
At habang naglalakad kami papasok ay narinig ko ang sinabi ng emcee.
"Ladies and Gentlemen, let's welcome Mr. Clarkson and their lovely daughter Charm Devaughn-Clarkson. Let's give them a round of applause." sabi ng emcee kaya narinig kong may mga nagpalakpakan mula sa loob at kung maraming media sa labas ay mas madami ang nasa loob dahil ang mga media ng buong mundo ay naririto nakita kong pati ang mga television channels sa ibang bansa ay narito din. Kaya naman nakaramdam ako ng hiya dahil ngayon ko lang na realize kung gaano talaga kayaman ang pamilya Clarkson.
"Welcome my granddaughter." nakangiting bati sakin ng mga magulang ni Fierce na sa palagay ko ay nasa mid 40's lang.
"H-hello po." naiilang na sabi ko ng yakapin ako ng mommy ni Fierce.
"Tingnan mo nga naman Felicia ang ganda ng tagapagmana ng anak natin." natutuwang turan naman ng ama ni Fierce sa asawa nito na sya namang sumangayon sa tinuran nito.
"I'm glad na natanggap nyo ang prinsesa namin mom, dad." sabi ni Fierce na kakarating lang. Kaya naman ng lumingon ako ay nakita ko kung paano sya natulala ng makita ang itsura ko.
"W-wow, you look like a real princess my dear Charm." sabi ni Fierce sakin kaya parang nahiya ako sa sinabi nya at nag-iwas ng tingin.
"I'm glad hijo na nakilala na namin ang apo namin." sabi ng mommy ni Fierce bigla nalang akong napangisi ng lihim, kung alam nyo lang na balak kong i-seduce ang anak nila na mismong stepfather ko ngayon.
***
Matapos akong ipakilala ni Fierce sa mga kapwa business man nya ay nagkaroon ng salu-salo at ng matapos na kong kumain ay naisipan ko ng umpisahan ang naisip kong kalokohan.
Kahit na nararamdaman ko ang lakas ng pintig ng puso ko ay huminga ako ng malalim saka pumunta kay Fierce kung saan nasa labas sya ng hotel dahil nakita kong parang may malalim syang iniisip. Agad ko itong nilapitan saka sya niyakap mula sa likuran.
Naramdaman kong napalingon sya sakin at nakita ko ang gulat na reaksyon nito kaya pinakita ko sa kanya ang pinaka-maamo kong mukha at nag simula ng magpanggap.
"Thank you Daddy." sinserong saad ko na lingid sa kaalaman nya ay hindi naman talaga totoo.
"W-wait did you call me Daddy?" sabi nya kaya naman tumango ako at mas hinigpitan ang payakap sa kanya ng bigla nya akong hawakan sa mga balikat ko at nilayo sa kanya.
"You know what, dalaga ka na Charm so act like one, kahit na Daddy mo na ako nakakailang parin na yakapin mo ko dahil nararamdaman ko yung mga... Yung mga boobs mo." pawisang turan nya kaya naman tumaas ang sulok ng labi ko. So naaapektuhan sya?
"A-akala ko ba gusto mong maging Daddy na kita? D-di kaba masayang tanggap ko na ang pamilya natin?" kunwaring malungkot na saad ko kaya naman napabuntong hininga sya at naramdaman ko ang paghaplos nya sa ibabaw ng buhok ko.
"T-that's not what I meant, okay fine but promise me na hindi ka gagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo okay? Because starting today lahat ng tao kilala ka na bilang heiress ng Clarkson family."
Nakangiting turan nya dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. Bakit ganun may kakaibang epekto yung ngiti nyang yun? Agad akong napailing.
"Are you okay Charm?" tanong nya sakin kaya naman ngumiti ako ng matamis at tumango.
"Oo naman Daddy, b-basta wag ka na mawawala sa tabi ko daddy." kunwaring naiiyak na turan ko.
Agad nya naman akong hinalikan sa noo. Dahilan para maramdaman ko ang pagkabog ng puso ko.
"I will never leave you. Promise..." he said. He sincerely said.
Nung mga oras nayon tuloy parang mas naisip ko na di ko sya deserve maging stepdad dahil nakakapanghinayang talaga dahil para sakin dapat hindi pa ama sa edad nya at ineenjoy nya pa dapat ang pagiging binata nya.
***
Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipagpatuloy ang operation namin ni Isaac. Naisipan kong mag bake ng cake habang nakasuot ako ng sando at maong shorts.
At dahil kagabi rin umalis si Mommy pabalik ng France ay kaming dalawa na naman ang naiwan sa mansyon bukod sa mga kasambahay.
At habang nagbebake ako ng cake ay inihanda ko narin ang mga icing na ilalagay ko.
Abalang abala ako sa mga ginagawa ko ng marinig ko ang yapak ni Fierce papuntang kusina ng magsalita ito.
"What are you doing here Charm?" seryosong tanong nya kaya naman humarap ako sa kanya at saka ko hinawakan ang naprepare kong cake na ginawa ko para sakanya at saka ako humarap at naglakad palapit sakany ng may ngiti sa labi.
"Ginawa kita ng cake Dadd—" putol na sabi ko dahil habang naglalakad ako palapit ay bigla akong nadulas dahilan para mabitawan ko ang cake at mapakapit ako kay Fierce at dahil biglaan ang nangyari pareho kaming napahiga sa sahig!
Nakaibabaw sya sakin habang...
Magkadikit ang mga labi namin na naging dahilan ng pagtigil ng mundo ko.
-------
To be continued...