Chapter 14: Beg CHARM'S P. O. V Simula ng mangyari yung kahapon nagpasya na ko na hindi ako bibigay hindi na dahil yun ang dapat na gawin. Papasok palang ako sa studio ng may bumunggo sakin si Sydney. Isa sya sa mga co-models ko at sa di malamang dahilan ay isa sa pinaka naiinggit sakin. "You know what Charm, I find something interesting..." nakangising turan nya sakin umirap lang ako sa hangin saka napabaling sa kanya. "Do you mind? I don't want to waste my time." sabi ko sa kanya saka akmang papasok na sa studio ng hilahin ako nito ng marahas. "Dito ka lang! Kasi di ka naman talaga nababagay dito! Nagpapasikat ka lang kasi sikat yung step father mo? O baka naman kaya ka naghuhubad sa pamomodelo para magpasikat sakanya?" nang-uuyam na sabi nya sakin kaya naman naikuyom ko ang kamao