AUTHOR'S NOTE: FEW MORE CHAPTERS AND WE'LL HAVE AN ENDING AND SPECIAL CHAPTER Chapter 26: Fighting CHARM'S P. O. V Hindi na ako makahinga dahil sa patuloy na pag-iyak ko habang nagpapaliwanag kay mommy. Sobrang mahal ko si Fierce pero hindi ko kayang iwan si mommy para sa kanya. Alam ko kung anong hirap ni mommy sa pag-aalalaga at pagpapalaki sakin simula nung bata pa ako at hanggang ngayon. "M-mommy... H-hindi ko talaga s-sinasadya, h-hindi ko lang t-talaga napigilang m-mahalin s-siya k-kasi g-gaya ng nakita n-nyo s-sa kanya y-yun d-din ang dahilan k-kung bakit k-ko siya m-minahal p-pero kung g-gusto nyo k-kong l-lumayo s-sige k-kung saan k-ka mas sasaya mom," sabi ko sa kanya saka marahang pinunasan ang luha ko gamit ang mga palad ko nakita ko namang namumula na ang mukha ni mommy da