Chapter 35 Michelle POV "I don't know Helena. Basta ako gusto kong lumubog ngayon sa lupa!" Tumawa ng malakas si Helena habang nagmamaneho ito. Sinundo siya ni Helena sa mansyon upang sabay silang pumasok sa kanilang first day lesson sa culinary class na pinag-enrolan nila. Nakisabay si Helena sa pag-aaral niya ng baking. Nais raw nitong matuto rin ng ibang bagay bukod sa pagpapaganda. Naging good influence pa tuloy siya ngayon sa kaibigan niya. "Stop laughing sis! Sobrang hiyang hiya na nga ako. For sure pinag-uusapan na kami ng buong Pilipinas ngayon!" Tinakpan niya ang kanyang mukha ng malaking sunglasses na kulay itim at face mask upang hindi siya makilala ng mga tao. Kahit wala namang sikat ng araw ngayon. Makulimlim pa naman ang panahon. Muling napahagalpak sa tawa ang kanyang