Chapter 11 Iginala ni Michelle ang kanyang paningin sa loob ng bahay ni Primo. Dito sila dumiretso pagkatapos nilang mamalengke. Malaki iyon kumpara sa kanyang apartment. Mukhang pang mayaman rin ang bahay nito kahit napakasimple lamang. Mukha iyong rest house, nag-iisa lamang iyon at walang kapitbahay sa paligid kundi mga puno lamang. "Mayaman ka pala?" Nagtatakang tanong niya kay Primo dahil nahalata niyang mamahalin ang mga kagamitan sa loob ng bahay nito. "Sakto lang" Sagot naman nito sakanya bago ito lumakad papunta sa kusina. Maganda ang interior design ng bahay nito. Black and white lamang at mga marbles ang makikitang kulay sa loob. "Ang ganda pala ng bahay mo bakit doon mo pa ako dinala sa apartment?" Reklamo niya ng maisip niya ang kanyang tinutulugan na apartment "Isa l