Chapter 29 Nakataas ang kilay ni Michelle ng makita niya si Jayden Grey na nakatalikod habang nakapamulsa sa malalaking glass windows ng mansyon. Mukhang malalim ang iniisip nito. Nakatanaw ito sa malawak na hardin ng mansyon. Saglit niya itong pinasadahan ng tingin. Malayong malayo na ang porma nito sa dating porma ng kanyang minamahal na Primo. He's wearing a black business suit na mukhang mamahalin ang tela. Malayo iyon sa simpleng pantalon at puting t-shirt na madalas suot nito sa bariyo. Pakiramdam niya ibang tao talaga ito. May lungkot na lumukob sa kanyang puso. Kathang isip lamang ba niya si Primo? Ang lalakeng probinsyano na minahal niya ng husto. Huminga siya ng malalim upang huwag magpatalo sa kanyang damdamin. Hindi na siya magpapaloko kay Jayden Grey. She cleared her t