Chapter 27 "What's your problem dude?!" Galit na tanong ni Carlo pagkababa nito ng kotse. Agad naman itong sinundan ni Michelle. Derederetso si Carlo hangang sa tapat ng motorsiklo ni Primo. Ngunit hindi dito nakatingin ang binata kundi sakanya. Halo halong emosyon ang nararamdaman niya sa pagtitig na iyon ni Primo sakanya. Para bang ito pa ang may gana maghinanakit at parang nasasaktan ito. Nakakunot ang nuo ni Primo habang masama ang tingin nito sakanya "Ganon nalang yun Mich?! Iiwan mo nalang ako basta-basta?" Galit na tanong ni Primo sakanya kahit nasa harapan nito si Carlo. Nakasakay parin ito sa motorsiklo nito. Kitang kita niya ang pamumula ng mga mata ni Primo kahit pa madilim na ang paligid. May pait rin sa bawat salitang binitawan nito. Nanginig ang kanyang katawan. Ba