Chapter 15 Maagang nagising si Michelle upang mamili ng kanyang lulutuin sa palengke. May balak kasi siyang bumawi sa mga naituro at naitulong sakanya ni Primo. She wants to cook something special for him. Upang makabawi naman siya sa kabutihan nito sakanya. Dahil kay Primo pakiramdam niya ligtas siya sa lugar na iyon. Pakiramdam niya kahit papaano ay hindi siya mapapahamak habang inaayos niya ang kanyang sarili. Pakanta-kanta pa siya habang naglalakad siya papunta sa palengke. Hindi parin siya sanay mamili ng mga kailangan niya ngunit atleast mayroon na siyang idea kung paano bumili sa palengke Hawak hawak niya rin ang notebook na ibinigay sakanya ni Primo. Mga recipe iyon na maaari niyang gayahin at pagpilian. Halatang sulat kamay lamang ang mga nakasulat doon. Napapangiti tuloy s