Chapter 13 "How's your day?" Tanong ni Primo sakanya habang tinutuyo niya ng tuwalya ang kanyang buhok. Kakatapos niya lang maligo at kakalabas niya palang ng banyo nang tanungin siya nito. Nakapag-bihis na rin siya sa hawak ng ibang damit. Mabuti nalang at nakapaglaba sila ni Primo kahapon at tinulungan pa siya nitong itiklop ang mga damit na iyon bago ito nagpaalam umuwi kagabi. She's wearing a simple mint green pajama and white V-neck blouse. Iyon ang binili nila sa ukay ukay. Nagmumukhang mamahalin ang isinusuot niya dahil maganda siya magdala ng damit. Napili niya iyon dahil mukhang komportable iyon isuot sa pagtulog. "I-It was fine" Sagot ni Mich "Fine? Bakit parang buong araw kang natutulog?" Nakaupo ito sa kutson habang nasa harap nito ang isang maliit na mesa. Naroon ang pa