Chapter 9 "Anong sabi mo?" Taas kilay na tanong ni Michelle kay Primo "I said, you should wash my clothes too" Pina-ningkitan niya ito ng kanyang mga mata at pinang-lakihan ng butas ng ilong dahil sa kakapalang taglay ng mukha nitong ipalaba sakanya ang mga damit nitong marumi! Hirap na hirap na nga siya sa paglaba ng mga damit na binili nila sa ukay ukay kagabi ay dadagdag pa ito? Ano ito sinuswerte? "I don't want to wash your dirty clothes! Eww!" Nakasimangot niyang tangi kay Primo "Akala ko ba gusto mong matuto? If you want to learn things faster you need to do it multiple times." Bakas sa gwapong mukha nito ang pang-aasar nito sakanya. Trip na trip talaga siya nitong asarin at nagtatagumpay naman ito dahil naaasar talaga siya! "Pwede ba Primo? Lubayan mo nga muna ako! Hindi ko