Rein POV Habang kumakain ako, naramdaman kong nag- vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko kaagad kung sino ang tumatawag. Hindi ko inaasahang number ni Darwin ang masisilayan ko. Napalingon lingon muna ako bago sinagot ang tawag nito. "Hello?" "Hi, Rein!" bati niya sa kabilang linya "Oh, musta ka na?" Matagal na rin na hindi ko siya nakikita kasi sa tuwing nagkikita kami palaging may gulo kaya iniwasan ko siya. "Ayos lang, nabalitaan ko na nag bakasyon kayo." "Kanino mo naman nabalitaan?" Tumawa lamang siya sa kabilang linya. "Tsaka hindi naman bakasyon 'yon dalawang araw lang kami ni Jiro sa resort." "Sayang hindi ako nakasama. Hindi ako nahuhuli sa balita Rein. Pupuntahan sana kita kaso alam mo naman 'yan asawa mo sobra makapag-react. Paano mo ba talaga natatagalan yan?" N