Elizabeth "Masigla na ulit si baby Aliyaah." biglang lumapit sakin si Katie. Kararating niya lang habang ako kanina ko pa pinagmamasdan ang anak ko. Naglalaro na kasi ulit ito. Kahit pa nasa bed lang siya ay kitang-kita ko na ang sigla ng katawan niya. "Oo nga eh! Ang sarap niyang pagmasdan kapag ganiyan siya." "Expired na yata yung gatas na binili ko eh! Mamaya sisihin ko yung tindera." "Hindi. Ang sabi ng doctor, hindi raw hiyang si Aliyaah sa gatas na 'yon." "Mabuti naman kung ganoon dahil kung hindi, naku! Gigirahin natin yung tindera na 'yon." "Mabuti nga at nandiyan si Josh. Tinulungan niya ako. Siya ang bumili ng gatas ni Aliyaah, maging diaper at binilhan niya rin ng mga damit." "Naku! Ang bait talaga ng labidabs ko." "Labidabs?" "Ah, huh? M-may sinabi ba ako? W-w