Rein Nagising ako sa iyak ni baby Dylan. Wala na rin si Jiro sa tabi ko siguro pumasok na. Tumahan din naman kaagad si baby Dylan kaya naman bumaba na kami. Naabutan ko naman sa kusina si manang nagluluto. "Maam, good morning po! Kakain na po ba kayo? Pasensya na po hindi pa ako tapos magluto." "Okay lang manang hindi pa naman ako nagugutom." "Maaga po ba pumasok ang sir niyo?" "Si sir Jiro po? Ay oo nga po pala pinapasabi niya sa akin na may pupuntahan daw po siya ngayon na importante. Hindi na daw niya kayo ginising ayaw niya daw na ma istorbo kayo." "Saan daw siya pupunta?" Gaano ka importante ang pupuntahan niya at ang aga niya umalis ....sa isip ko Habang karga ko si baby Dylan ay umupo ako para tawagan ang number ni jiro ngunit walang sumasagot. Bakit hindi niya sin