Hermes POV "Son, hindi ka puwedeng pumunta mag-isa. Hindi natin alam kung anong balak ng mga kidnapper na 'yon. Paano kung lolokohin ka nila? What if after you give them the money papatayin ka nila?" puno ng pag-aalala na sabi ni Mom. Hindi ako tanga para pumunta doon mag-isa. May kasama ako at siyempre hindi ko ipapahalata 'yon. "Huwag kang mag-alala, mom may kasama ako." "Sigurado ka?" "Hindi ako pupunta doon na mag-isa. Hindi ako naniniwalang pagkatapos kong ibigay ang pera ay bubuhayin pa nila kami." I held Mom's hand. "I will bring back my wife no matter what!" "Just make sure, son. Your daughter is waiting for her Mom." "Sir, may naghahanap po sa inyo!" bigla na lamang nagsalita si Lita. "Sino Lita?" "Ako." Mula sa likuran ni Lita ay lumabas si Menie. Anong ginagawa