Elizabeth Hindi pumayag si Hermes na lumabas akong naka-swimsuit lang. Pinagsuot pa niya ako ng short para naman daw hindi makita ang aking matambok na pwet. Siya lang daw dapat nakakakita no'n at bawal sa iba. Siraulo. Mamaya, subukan lang niyang lumingon sa iba malalagutan siya ng hininga. Iniwan na muna namin si Aliyaah dahil tulog pa. May bantay naman ang anak ko. Isa sa mga staff ng resort. Buti nga at pumayag ito. Ang laki ba naman ng offer ni Hermes na pera para lang bantayan si baby Aliyaah. Ilang oras lang pero nag-offer kaagad siya ng six thousand pesos. Para sa kaniya, barya lang daw 'yon. Pero sakin, napakarami ko ng mabibili do'n. Makakabili na 'ko ng ilang sako ng bigas at makakapag-groceries pa at kung may sobra pa, makakapag-palengke pa. Napasinghap na lamang