CHAPTER 31 "I missed you, Rein." Bulong niya ng bumitaw siya sa paghalik sa akin. Hindi ako makapagsalita. Na-miss ko to. Na-miss ko ang labi niya. "Pinipilit kong kalimutan ka pero hindi ko magawa. Ikaw at ikaw parin ang nasa isip ko. Wala akong pakialam kong hindi mo na ako mahal basta ang alam ko mahal kita at hinding hindi na kita pakakawalan pa kahit ipagtabuyan mo pa ako ngayon hindi ako aalis sa harapan mo." "Jiro." "Rein, please love me back." Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin saakin Ramdam na ramdam ko ang bawat salita niya na nagpalambot sa akin. Mahal ko parin siya kaya ipaglalaban ko siya kahit pa masakit na. Ipaglalaban ko pagmamahal ko sa kanya dahil mahal niya parin naman ako. Hindi ako makapagsalita. Sobrang lakas ng kabog nang dibdib ko at sa tingin k