Rein Sa kabila ng pananakit niya saken hindi ko pa din siya iniiwan. Ako na siguro yung pinaka martyr sa lahat ng martyr. Ano ang dahilan ko? Mahal ko siya mahal na mahal at umaasa pa rin akong magbabago siya. Kausap ko si mommy ng may magsalita sa likuran ko. Sa pananakit niya sakin kailanman hindi ko siya isinumbong sa mga magulang ko dahil pag nalaman nila yon tiyak kong paghihiwalayin kami. "Ahm mommy, ano kasi may ginagawa kami dito sa bahay ni Jiro." pagdadahilan ko. Gusto kasi ni mommy na pumunta kami sa party. Nagpa-party kasi sila mommy dahil nakapagbukas sila ng isang bagong negosyo. "Tell her na pupunta tayo." malamig na tugon ni Jiro. Narinig niya pala angusapan namin ni mommy. Tiningnan naman nya ang mga pasa ko sa braso. Nagkaron ako ng mga pasa simula nung gabing n