REIN Nakakapagod mag isip Nakakapagod mag emot Nakakapagod umiyak Nakakapagod na mabuhay Alang alang sa dinadala ko kailangan kong magpakatatag kahit hindi maganda ang pakikitungo niya sakin ay kakayanin ko kaya kong magtiis. Pero hanggang kailan? At kung tatanungin niyo ako kung okay na kami ni Jiro. Isa lang ang sagot ko hanggang ngayon cold parin siya sakin. Kagagaling ko lang mamili ng mga kailangan sa bahay sa kabila ng mugto kong mata ay pinili ko parin na lumabas at mamili ng mga gamit sa bahay. Papasok na ako ng may marinig akong tawanan. Nandito na kaya si Jiro? Nagmadali akong tinungo ang salas at laking gulat ko nang makita si jiro may kasamang babae nakaupo ito sa kanya at hinahalikan siya nito sa leeg. Nabitawan ko ang mga dala kong plastik kaya napalingo