REIN Nasa tapat na ako ng bahay namin. Na-miss ko to grabe! Ang tagal ko din hindi nakapunta dito. Sa tingin ko wala naman nagbago, malinis pa din naman pinapalinis kaya 'to ni Jiro? Nagmamadali na akong pumasok. Pinihit ko ang pinto buti naman at bukas hindi naka lock. Wala akong susi sa pinto. ang meron lang ako ay ang gate pero hindi ko rin naman nagamit ang susi ng gate bukas rin naman ito. Siguro hindi na i -ni lock ni Jiro. Pagbukas ko sa pinto nakita kong halos walang pinagbago ang bahay. Pumupunta pa rin kaya dito si Jiro? Nagmadali akong tinungo ang silid namin para kunin ang iba kong mga gamit. Nakakamiss ang bahay na to. Pagbukas ko ng pinto binuksan ko ang ilaw, masyadong madilim. May naaamoy akong alak. Bakit amoy alak dito? sa isip ko May nakita akong mga b