Isang linggo na simula ng mangyari noong birthday ko. Napakalungkot na nangyari Tinawagan ako ni mommy kinaumagahan noon nagtanong kung sinaktan ako ni Jiro pero ang sagot ko ay hindi. Natatakot pa rin ako na ipaghiwalay kaming dalawa mahal na mahal ko si Jiro at hindi ko siya susukuan hanggang sa bumalik siya sa dati. "Aray ko!" parang naninikip dibdib ko Ano ba nangyayari? Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib na parang hindi makahinga "Nasaan si Jiro?" Alam ko nasa kusina siya kanina eh Dali dali akong uminom ng tubig. Hindi nga ako nagkamali nasa kusina nga siya at nakapamulsa niya akong tinitingnan habang umiinom ng tubig. "I already cooked our lunch!" walang emosyon niyang sabi .. Tiningnan ko siya, ngumiti ako simula kasi ng nangyari isang araw siyang walang uwi