JIRO Habang nag aayos ako ng mga paper works biglang dumating si Jazzy "Hi, Jiro." naglakad ito ng nakakaakit papunta sa'kin. Dati ko pa nahahalata na may gusto sakin si Jaz but sorry to her may mahal na ako at hindi ko ipagpapalit si Rein. "Jaz..." Ibinaba ko na ang tingin ko sa mga papers masyado akong busy para makipagkwentuhan sa kanya ngayon. Wala rin naman siyang ibang sinasabi kundi ang iwan ko si Rein. "I missed you so much Jiro." Niyakap niya ako habang nakatalikod. "Jaz!" saway ko sa kanya "Tsk! Natatakot ka ba na makita tayo ni Rein?" Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ako natatakot. Umiiwas lang ako. "I heard the news yesterday. Totoo ba na buntis na si Rein?" "Yeah..." walang gana kong sagot. Childhood friend ko si Jaz pero nang sinabi niyang mahal niya