BAGSAK sina Mad at Haze sa lakas na ipinamalas ni Lior. Makikita ngang wala ng malay ang dalawa na kasalukuyan nang hahawakan ni Lior para dalhin sa kanilang dimensyon. Gagamitin kasi niya ang katawan ng alinman sa mga ito upang maging bata siyang muli. Nang pumatong na nga ang kamay ni Lior sa katawan ng dalawa ay doon na siya biglang napaseryoso nang ngumisi ang mga iyon habang mahigpit na hinahawakan ang kanyang mga braso. Nagkunwari lang pala ang dalawa at bahagya niyang ikinagulat ito. “Kinaya pa rin ninyo ang ginawa ko? Talagang pinapahanga na ninyo ako ah…” sabi nga ni Lior na muli na ngang tatayo. Sinubukan din niyang makawala mula sa dalawa at nang maramdaman niyang mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito ay doon na siya sumeryoso. “Kaya pa naming lumaban,” wika ni Haze at si Mad