PAGMULAT ni Saber sa kanyang mga mata ay napaseryoso siya sa kanyang nakita. Pamilyar ito sa kanya at kung hindi siya nagkakamali ay ito ay ang Graveyard ng Faladis. Napaisip nga siya kung ano ang ginagawa niya rito, kaso, walang ibang pumasok sa kanyang isip kundi ang kadahilanang dito naman talaga siya nanirahan at nagsanay na maging malakas nang dalhin siya rito ni Augustus. Ito ay ang Eternity na nagbigay sa kanya ng malakas na kapangyarihan sa pamamagitan ng isang eksperimento. Nagsimula na nga siyang maglakad at umaalingasaw ang masangsang na amoy ng paligid. Nakakaramdam nga rin siya ng hirap sa paghinga dahil dito, at dahil na rin ito sa maliit ang oxygen sa bahaging ito ng mundo. Nasa harapan din niya ang mataas na pader at sa itaas nito ay ang transparent glass barrier ng Faladi