Kabanata 63 Bumalik naman si Valentine at may dala na itong pagkain na inorder niya kanina. "Puwede tayong kumain muna Val." "Ikaw bahala Nica." Umalis siya sa pagkakaupo niya sa high chair at kinuha ang pagkain. She ordered a Jollibee Bucket meal. "Hanggang eight pa rin naman curfew mo, 'd ba?" "Yup!" sagot niya habang inilalabas ang mga pagkain. "Val, come, let's eat," niya rito. Tumabi naman ito sa kanya at nagsimula na silang kumain. "Nakakagutom pala mag-drawing." "Hindi naman Nica." "Pero nakakangalay sa balikat at kamay." "Ganoon talaga iyan Nica. It's part of our passion being as an artist. Magsisimula ka talaga sa mahirap." Kumikit-balikat siya. "I just do numbers." "But at least you tried to draw for your father. Baka kapag nabigyan mo siya ng ganitong regal