Kabanata 113 "Ayos lang po siya ma'am. Mahaba-haba na rin po ang tulog niya kumpara noong dati." "Dati na?" "Noong wala pa po kayo. Lagi ho siyang puyat at paminsan-minsan po ay nagwawala sa tuwing hinahanap kayo." Bumuntong-hininga siya. "Ganoon ba?" "Yes po ma'am." Tumango lamang siya. Kinuha niya na ang pagkain at inilagay sa food tray. Pagkatapos niyon ay umakyat na siya sa itaas gamit ang elevator. Nang dumating siya sa kuwarto ay sakto namang gising na si Valentine. "How's your sleep?" tanong niya na para bang walang nangyari kagabi. Well, she's freaking out inside and she's feeling awkward but she's trying not to show it to him. "So good." Ibinaba niya sa center table ang dala niyang food tray at lumapit kay Valentine. "Mag-breakfast ka na para makainom ka na ng

