Kabanata 100 SELVIA is furious right now! Hindi niya inakalang ganoon pala ang ugali ng lalaki. Hindi naman kasi ganoon ang sinabi ng source niya. Mabait daw ito at hindi masungit. Inis siyang napapadyak. Oo na, kasalanan niya rin naman kung bakit ganoon ang impression sa kanya ng lalaki pero hindi niya masisisi ang sarili. Kailangan na kailangan niyang ma-cover ito para sa launching na darating. Dahil kung hindi ay baka mawalan siya ng trabaho. May mga option namang ibinigay sa kanya si Miranda, ang executive editor ng magazine. Pero gusto lang talaga niyang si Mr. Valentine G. De Vera ang maging front cover. Sobrang successful kasi nito at sobrang private rin na tao. For sure maraming nag-aabang na readers at followers nito. That would be awesome and a big break for her. Sigurado tal