Kabanata 119 THE PARTY went wild at sobrang nag-enjoy siya ng husto sa pakikihalubilo. Habang si Valentine naman ay busy din sa pakikipag-usap sa iba. Nang hindi na ito nakatingin sa kanya ay mabilis siyang lumabas sa event hall. Hinubad niya ang kanyang suot na heels. Sumasakit na kasi ang paa niya. Diretso siya sa elevator at agad na nang makapasok ay agad siyang sumandal sa pader nito. Napahikab siya. Nakakaramdam na siya ng antok. Hanggang sa tuluyan siyang umabot sa parking lot. Lumapit siya sa sasakyan at kumatok. Nagising naman ang driver. He unlock the door. Agad din naman siyang pumasok sa loob at nahiga sa upuan. "Sorry Manong kung nagising kita." "Ayos lang po ma'am. Kayo lang po ba? Si sir po?" "Oh, hindi niya alam," sagot niya at napatawa. "Just wait for him to come

