Kabanata 94 NASA waiting area siya at hinihintay na lamang na lumabas ang nurse para naman may mapagtanungan siya kung anong nangyari sa loob. "Ma'am? Pumasok po muna kayo sandali, may susulatan lang kayo," wika naman ng isang nurse. Pumasok siya sa E.R at muli niyang nakita kung ano ang sitwasyon ni Valentine. They're taking care of him. Wala pa rin itong malay at kanina pa walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha. Marahan naman siyang kinabig ng nurse at may ibinigay na papel sa kanya. It's a patient's information form. Sinulatan niya na ang mga ito pero agad din naman siyang natigilan nang mapatitig sa kanyang mga kamay na may dugo. Nabitawan niya ang ball pen dahil nanginginig ito sa kaba. "Doc! Heart attack!" bigla wika ng nurse. Agad siyang napatingin kay Valentine at a