RHIAN Kitang-kita ko sa mukha ni Hinn ang matinding galit habang pinagbibintangan niya si Zephyr na pumatay sa kaibigan niyang si Levi. Actually, familiar din sa akin ang name ng friend ni Hinn na si Levi. Pero sa dami ng familiarity na naramdaman ko today, parang pagod na pagod na ang utak ko sa kakaisip at kakaproseso. Feeling ko, para akong pumasok sa sarili kong panaginip na isang estranghero kaya nangangapa sa bawat pangyayari. Sa sobrang dami ng pangyayari at rebelasyon, hindi ko na masundan lahat. Hindi na kayang isa-isahin ng isip. I am so tired of thinking, of feeling something... "Sa dami na ng mga Oogster na pinatay ko, hindi ko na matandaan ang mukha at pangalan nila," narinig kong pag-aamin ni Zephyr. Hindi ko siya nakikitaan ng takot kahit parang gusto ng manuklaw ng kah

