RHIAN "Basta makinig ka na lang sa'kin," mariing sabi sa akin ni Ehran There's something in his eyes which I could not read. Was it fear? Was it concern? I dunno. Basta. Mixed emotions ang nakikita ko ngayon sa mga mata ni Ehran. Na hindi ko kayang basahin, kung paanong hindi ko alam kung paano niya nalaman ang binabalak ko. Sobra naman yatang talas ng pakiramdam niya. Na pati ang mga nakikita ko ay nakikita niya rin. "Ano ba ang iniisip mo na balak kong gawin?" panghuhuli ko kay Ehran. Curious lang ako kung totoo bang nakikita niya ang nakikita ko rin. "Hindi ako manghuhula para malaman ang iniisip mo," masungit na sagot sa akin ni Ehran. "Basta makinig ka na lang sa'kin." Nag-crossed arms ako sa harapan ni Ehran na para bang nakikita niya ako. "Then hindi ako makikinig sa'yo. Hindi

