RHIAN Hindi ko na narinig pa ang ibang pinag-uusapan nina Arkanghel at Metatron. Hindi ko ma-explain ang feeling ko. Na para bang galing ako sa malalim na tulog at kagigising lang. Na sa pagmulat ko ay wala na rin sa paningin ko ang liwanag nina Arkanghel Metatron at Cashile. Ang naroon na lang ay sina Rinalyn at Zephyr. Si Zephyr na parang napansin kong tila nahulog sa malalim na pag-iisip. Nakatulala lang siya. Nakatingin sa kawalan. Maya maya'y lumipad ang tingin niya papunta sa'kin. Dahan-dahang humakbang si Zephyr palapit sa akin. Hindi na ako tumanggi nang hawakan niya nang mahigpit ang mga kamay ko. "H-hindi kasama sa mga ipinakita sa'kin ni Arkanghel Metatron ang patunay tungkol sa mga sinabi sa'kin ni Cashile. Pero ipinakita sa akin ni Arkanghel Metatron ang magiging buhay mo

