RHIAN "Oy, bestie. Paalalahanan mo `yang puso mo, ha. Sabihin mong magdahan-dahan lang. Baka atakehin `yan," biro sa akin ni Matet bago kami makarating sa bahay ni Suzaine. In-invite kasi kami ni Suzaine na mag-pajama party sa bahay nila, kasama ang ilan sa mga classmate namin na medyo naka-close na rin namin, kasama si Maya. Early celebration for her incoming debut daw ang party na ito ni Suzaine. Actually, first time namin ni Matet ang mag-sleep over. Pareho rin kaming hindi mahilig sa ganitong kasiyahan. Pero hindi ko kayang tanggihan si Suzaine. Siguradong magtatampo siya sa amin ni Matet kapag hindi kami pumunta. `Buti na lang pinayagan ako ng parents ko. Inisip ko rin na maganda na rin itong maging busy ako. Para hindi ko na gaanong naiisip ang kakaibang pagbabago na nangyayari s

