… KAI’s POV … Pagkatapos ng ilang minuto pa namin sa laot, narating namin ang isang isla na talaga namang napakaganda. Kitang-kita ko dahil nasa deck ako. At nawari ko na doon na ang sadya namin dahil pumapagilid na ang yateng kinasasakyan namin sa may maliit na pinaka-port ng isla. May nakikita rin ako na isang lalaki na naghihintay sa pagdaong ng yate. Gusto ko sanang lapitan si Juke pero hindi pala kami bati. Walangya siya, papalanguyin ba naman ako sa dagat para makabalik sa Maynila. Kung hindi ba naman siya ipinanganak na gunggong, pilosopo, at depungal. Siya ang ipakain ko sa pating, eh. Inirapan ko siya kahit hindi niya nakikita. Busy na sila ng lalaking medyo may edad na sa pag-dock ng yate. In fairness, nawili ako kahit paano sa panonood sa kanila dahil mas nagmukhang lalakin