Part 12

1758 Words

… KAI’s POV … “Magsumbong tayo sa pulis,” mungkahi agad ni Aman sa naisip niyang paraan. Kausap ko na siya ngayon dito sa paborito naming café. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinakyan ko kanina ay dito agad ang tinungo ko. Ayaw kong magsayang ng panahon para makausap siya. Ilang minuto rin akong naghintay kanina kay Aman. Akala ko nga ay hindi na siya darating. Na-traffic lang pala at saka may ipinaayos pa raw si Sir Jonathan sa kanya kaya hindi siya kaagad nakaalis sa trabaho. Kinumusta ko ang opisina namin at iyon nga raw, ako ang topic daw ng mga tsismis doon. Naniniwala raw halos ang lahat sa issue. Ang dahilan ay dahil kaibigan ko si Dhenna na unang nagkaroon ng ganitong issue, ang maging mistress. Syempre magkaparehas daw kami ng ugali kaya nga kami naging mag-best frien

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD