… JUKE’s POV … “Hindi mo man lang ba naisip din noon na masisira ang buhay ko sa gagawin mo? Hindi mo man lang naisip na ang unfair niyo? Por que kayo ay sikat at ako ay hindi?” Punong-puno ng hinanakit ang tinig ni Kai. Umiiyak pa rin siya. Hindi maampat ang pagpatak ng kanyang mga luha, at nadudurog ang puso ko habang pinakatitigan ko pa rin siya. Bumuka naman ang bibig ko pero hindi ko alam kung bakit walang salitang lumabas. Even my desire to apologize to her ay hindi ko magawa. “Paano kung may mga pinagdadaanan din ako sa buhay? Paano kung—“ “I’m sorry.” Hindi ko na hinayaang matapos ni Kai ang kanyang sasabihin dahil inaamin ko na hindi ko talaga naisip ang mga bagay na iyon noon. Nakatutok lang ang isip ko noon kay Lucyle. Ang maprotektahan ang career ni Lucyle. Lahat ay para